in

Ion Perez umani ng papuri ng mamataang naglalako ng gulay sa kanilang probinsya sa Tarlac

Marami ang humanga kay Kuya Escort Ion Perez dahil sa hindi nito pagkalimot sa kanyang pinagmulan.

Bago pa man naging Kuya Escort si Ion Perez sa segment ng Its Showtime na Miss Q and A, nagsimula muna sya bilang isang simple. At normal na binata sa probinsya ng Tarlac.

Na naglalako ng mga kakanin at kasama ng kanyang nanay.

Sa ngayon nga ay kitang kita sa mga Instagram post ni Ion Perez na napakalayo na ng narating nya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Nakapundar na rin si Ion ng kanyang sariling sasakyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Pero kahit malayo na ang kanyang narating ay hindi pa rin niya kinakalimutan ang kanyang pinagmulan.

Kamakailan nga lamang ay marami ang natuwa at huumanga kay Ion. Ito ay nang dumalaw siya sa kanilang probinsya.

Kung saan tumulong siyang muli na maglako ng mga paninda nilang gulay gamit ang padyak.

“Bili na mga suke!” maikling caption ni Ion sa kanyang official Facebook account noong August 22. Marami naman ang agad pumuri kay Kuya Escort sa comment section ng kanyang post.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Yes noi pabili my puso ba ng saging hehhe god bless you noi”

“Pogi nmn ng tindero uubusin ko na yan lahat HAHA i love you kuys Ion Valdez”

“Gusto ko bilhin yung nagtitinda or kahit ako na lang yung damit ok na”

“Sipag mo Nak pabile hehehe”

Si Ion ay nakilala ng maging escort sa isang sikat na segment ng It’s Showtime na Ms. Q.A. Sa nasabing segment ay nakasama niya si Ate Girl Jackie Gonzaga na kalaunan ay naging ka love triangle niya kay Vice ganda.

Sikat na Tiktoker, mabilis na nagviral dahil napagkakamalang kakambal ni Marian Rivera.

Totoong itsura diumano ng Viral na gwapong pari na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos usap-usapan ngayon online