in

Alex Gonzaga napaghinalaang muli na buntis na dahil sa litratong karga ang anak ni Janella Salvador

Naging usap-usapang muli na nagdadalangtao na ang aktres, vlogger at TV Host na si Alex Gonzaga.

Matapos maibahagi ang picture ni Alex Gonzaga kasama ang anak nina Janella Salvador at Marcus Patterson na si Baby Jude. Muling nabuhay ang espikulasyong buntis na ito.

Kapansin-pansin kasi sa mga litrato na tila may baby bump na ang tummy ni Alex. Ito ay makikita habang karga niya si Baby Jude.

Imbes nga na si Baby Jude at iba pang mga artista tulad nila Liza Soberano at Yassi Pressman ang mapansin sa mga litrato ay ang maumbok na tiyan ni Alex ang naging usap-usapan.

Gayunpaman, hindi pa ito itinanggi o kinumpirma ng aktres. Matatandaang ilang beses na ring lumabas ang bali-balitang buntis na ito ngunit ilang beses na ring itinanggi iyon ni Alex.

Bilang isa sa maituturing na may pinakamaraming followers sa YouTube at social media, marami ang nag-aabang sa mga pangyayari sa buhay ng vlogger simula nang ikasal ito noong nakaraang taon kaya ilang beses nang naitatanong sa kanya ang tungkol dito.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Parang lagi naman pinagbibintangan si Alex na buntis. Pero sabi nya noon ma puson siya talaga.”

“Eto yung nakakawindang sa mga bagong kasal e. After ka kulitin kung kelan ka ikakasal noon. Ngayon naman walang katapusang “buntis ka na ba?”.

“Kelan kayo mag aanak?” Kalowka Malamang mabubuntis may asawa eh. Nabubuntis nga yung mga walang asawa. Charot!”

Hindi ito ang unang beses na napagkamalang buntis si Alex. Matatandaan na kamakailan din ay naging usap-usapan din ang laki ng kanyang tiyan.

Ngunit mariin itong itinanggi ng misis ni Mikee Morada. Aniya natural lamang daw na kahit payat siya ay malaki ang kanyang tiyan.

“Aalis na ako dito, ayoko na, di ko na kaya,” Mariel Padilla, Isiniwalat kung paano sila magkasagutan ng asawang si Robin padilla

Jinkee Pacquiao, tila palaban sa mga mapanghusga, nag flex pa ng mamahaling carpet