in

Jinkee Pacquiao may sagot nga ba sa pangbabatikos sa kanya ni Cristy Fermin

Matapang ang naging pahayag ni Jinkee Pacquiao, matapos ang pahayag ni Cristy Fermin laban sa kanya.

Kamakailan lang ay binatikos ni Cristy Fermin si Jinkee. Dahil sa madalas na pagbabalandra umano ng kanyang mga mamahaling gamit sa social media.

Sabi ni Fermin, dapat umano ay iniisip ni Jinkee na nasa pandemya ang mundo at maraming pamilyang Pilipino ang nagugutom.

Tahasan din niyang sinabi na walang kahihiyan ang misis ng Pambansang Kamao sa pagparada sa mga binibili nito.

“Kung mayroon siyang pakialam, dapat ‘di niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan.

“Wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo.

“Wala ka sa timing. Hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon,” pahayag ni Manay Cristy.

Nang mag-viral ang pahayag na ito ng batikang kolumnista at radio host tila may reaksyon dito si Jinkee.

Malaman ang naging mensahe ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang mga kritiko. Sa kanyang Instagram ay nagpost ang misis ni Manny Pacquiao ng kanyang larawan.

Sa caption nito, sinulat ng dating vice governor ng Saranggani, “Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.”

Sa huli, pinaalalahanan din niya ang kanyang followers, “Spread Love! We should love one another, for GOD is love!

“God is good all the time!”

Matatandaan na trending kamakailan si Jinkee sa social media dahil sa kanyang OOTD sa ginanap na laban ni Manny at Ugas.

Bagamat hinagaan ito ng ilan, may ilan ding hindi natuwa sa OOTD ni JInkee. Isa na nga rito ang  si Cristy Fermin.

Mona Alawi, naging emosyonal matapos mag agaw buhay

Sharon Cuneta, sobrang lungkot dahil sa mga pangyayari sa kanyang pamilya