in

Pag-aalaga ni Jinkee Pacquiao sa Pambansang Kamao matapos ang laban nito viral ngayon sa social media

Umani ng papuri si Jinkee Pacquiao dahil sa pagiging maalaga niyang misis.

Makatapos nga ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay Yordenis Ugas ay nagtamo siya pananakit ng katawan.

Hindi man pinalad manalo sa kanyang huling laban sa loob ng ring, panalong panalo naman siya pagdating sa kanyang misis.

Dahil nga sa mga tinamong pinsala, to the rescue si Jinkee upang alagaan ang kanyang mister.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jinkee ang video kung saan sinusubuan niya ng pagkain si Pacman.

Kalakip pa ng kanyang post ay ang caption about marriage.

Saad ni Jinkee, Your best friend should be your spouse. Marriage is a unique, fragile bond between man and a woman. It is unique in that no other relationship between man and a woman allows them to become one.”

“If a couple keeps the romance alive in their own marriage, the temptation to look for someone else to meet their needs will be much less appealing.”

Kalakip din nito and mga bible verses tungkol sa pagsasamahan ng mag-asawa.

“The boundaries of Marriage are to be honored and enjoyed (Proverbs 5:15-20) as this passage explains. A husband and wife can only find true fulfillment if they stay within the boundaries GOD has given them”

Sa nasabing video ay maririnig din na sinasabi ng mag-asawa ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa marriage.

“Grabe naman yang asawa mo… [sa] pag-aalaga sa’yo,”saad ng kumukuha ng video sa dalawa.

“Sabi nga, through thick and thin,” ani Pacquiao.

Manalo man o matalo ay nasa tabi pa rin ng Pambansang Kamao ang kanyang misis na laging nakasuporta sa lahat ng kanyang laban.

Toni Gonzaga ibinahagi ang ‘most difficult year’ ng marriage nila ni Paul Soriano

Kiko Estrada naglabas na ng pahayag ukol sa relasyon nila ni Heaven Peralejo, itinanggi na niloko ang ex-GF na si Devon Seron