in

Kiko Estrada naglabas na ng pahayag ukol sa relasyon nila ni Heaven Peralejo, itinanggi na niloko ang ex-GF na si Devon Seron

Binasag na ni Kiko Estrada ang kanyang pananahimik ukol sa mga kontrobersiyang kinakaharap niya ngayon.

Sa vlog ni Ogie Diaz kagabi, August 24, binigyang linaw ni Kiko ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Devon Seron.

Gayundin ang pagkabuo ng pagmamahalan nila ni Heaven Peralejo. Na pinagbibintangang third party sa hiwalayan nila ni Devon.

Sinabi ni Kiko na taliwas sa lumabas na bali-balita ay hindi niya pinagsabay ang dalawa.

Paliwanag ng aktor, isang buwan na silang hiwalay ni Devon noong nagsimula silang naging malapit ni Heaven.

Lahad ni Kiko, “A month after, pero we’re still not together at this point. We’re just talking and, you know, trying to get to know each other…

“Through the hardships, through the issues, we became closer. So, I would never expect na magiging kami or in any way, form, whatsoever.

“So, nakakalungkot lang na, yun nga, it had to be this way, yung reaction of people.”

Giit pa ng aktor, hindi siya manloloko at hindi rin mang-aagaw si Heaven.

“I am not a cheater. [Heaven]’s not a third party. There’s nothing like that that happened. Kasi kung totoo, tatanggapin ko,” aniya.

“I mean, we have to live with it, di ba? Because it’s the truth and the truth will set you free. But this is not the truth.”

Saad pa niya, “Kaya nga ako nandito ako just to clarify everything. I think it’s long overdue.

“Kasi, I’m the type of man na marespeto ako sa past, sa future, sa present, in any way.”

Nito lamang Agosto nang aminin nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon matapos ang ilang buwang pagkakaugnayan sa isa’t isa.

Pag-amin ni Kiko, lubos silang naapektuhan ni Heaven sa naging reaksyon ng publiko kaugnay ng kanilang relasyon.

Pag-aalaga ni Jinkee Pacquiao sa Pambansang Kamao matapos ang laban nito viral ngayon sa social media

Mona Alawi, naging emosyonal matapos mag agaw buhay