in

Toni Gonzaga ibinahagi ang ‘most difficult year’ ng marriage nila ni Paul Soriano

Ibinahagi ni Toni Gonzaga sa interview sa kanya ni Matteo Guidicelli ang mga pinagdaanan nilang mag-asawa.

Bagamat limang taon ng kasal, ibinahagi ni Toni na hindi naging madali ang unang taon nila ni Paul Soriano.

Pinag-usapan kasi nila ni Matteo ang tungkol sa “leaving and cleaving”. Na aminado si Toni na nahirapan siya.

“When I got married, doon ko lang na-realize na it’s not just physically leaving your old house and your old life. Kasi I thought when I left my house, I already left. But no,” saad ni Toni.

“My mind, my emotions were all still living with my parents because for 30 years I’ve lived with them. Programmed na ‘yung buong katawan mo na ito ‘yung katawan ko, ito ‘yung system ko. So for the first year of our marriage, I would always consult my parents. I would always run to them for advice,” dagdag pa niya.

Nahirapan daw kasi talaga s’ya noong una magpasakop sa kanyang mister dahil hindi pa s’ya sanay sa ganoong set-up.

“I cannot accept nu’ng time na ’yon na, ‘Huh? You’re my boss or I will submit to you? I cannot submit to you.’ Parang ganu’n,” patuloy na pagre-recall pa ng aktres.

“It’s so hard to grasp. But you know, submitting is not bowing down to your husband and adoring your husband and worshiping your husband.

“Submitting is allowing him to lead your family. It’s not dying or playing small or you will die to yourself just to please your husband. I don’t think that’s the real meaning of submitting to your husband. Submitting is honoring your husband and honoring his decisions also.”

Hindi naman daw binabalewala ni Paul ang sey n’ya sa mga desisyon nito para sa kanilang pamilya.

Couple vlogger na kumikita ng ng 50-100M nasilip ng BIR kaya nag-delete ng YouTube channel

Pag-aalaga ni Jinkee Pacquiao sa Pambansang Kamao matapos ang laban nito viral ngayon sa social media