in

Couple vlogger na kumikita ng ng 50-100M nasilip ng BIR kaya nag-delete ng YouTube channel

Iniwasan umano ang pagbabayad ng malaking tax kaya biglaang nag-delete ng YouTube channel.

Ito ang pahayag ng BIR sa sikat na couple vlogger umano na biglaang nagdesisyon na burahin ang kanilang account.

Ayon sa initial investigation ng BIR ang couple vlogger ay kumikita ng P50-P100 million sa loob ng dalawang taon.

Kaya nakabili ang mga ito ng mamahaling sasakyan at nakapagpatayo ng mansyon sa isang subdivision.

Ayon pa sa source ng BIR nag-delete ng channel ang magkasintahan. Ilang araw matapos masilip ng ahensya ang mga social media influencers taxes.

Na kumikita ng milyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang social media platforms gaya ng YouTube at Facebook.

Inanunsyo ng BIR na kinakailangan silipin kung nakakapagbayad ba ng tamang tax ang mga ito.

Saad din ng ahensya ng gobyerno na ang nasabing couple vlogger ay may halos 11 million subscriber.

Pero hindi nila pinangalanan ang mga ito dahil under investigation pa umano.

Ngunit kahit na burado na ang kanilang YouTube channel ay hindi makakatakas ang mga ito sa imbestigasyon. Kung may nilabag nga ba silang batas tungkol sa buwis.

Ang mga vloggers ay declared na self employed na kailangan magbayad ng 12 percent value-added tax. Kung sila ay kumikita ng tatlong milyon at higit pa.

8 percent value-added tax naman kung mababa sa tatlong milyon ang kinikita at excempted naman ang mga kumikita ng 250 thousand pababa.

Ayon naman kay BIR Commissioner Caesar R. Dulay maging tapat umano ang mga vloggers sa kanilang mga kinikita.

Para maiwasan humarap sa kasong tax evasion. Dagdag pa niya ay hindi umano maitatago ng mga social media influencers ang kanilang kinikita.

Dahil susumahin ng kanilang ahensya ang lahat ng social media platforms.

Alam naman ng lahat na ang JaMill lamang ang nagbura ng kanilang YT channel kamakailan.

Madam Inutz pina-wow ang mga netizens sa kanyang itsura sa kanyang kauna-unahang photoshoot

Toni Gonzaga ibinahagi ang ‘most difficult year’ ng marriage nila ni Paul Soriano