in

Rudy Baldwin na-vision na magiging leading lady daw siya ng aktor na si Piolo Pascual

Nadawit ang pangalan ni Piolo Pascual sa issue ng sikat na online psychic na si Rudy Baldwin.

Matatandaan na sa programang Raffy Tulfo in Action ay naireklamo si Rudy ng dati niyang manager na si Elzen Estores.

Sablay daw kasi ang mga hula ni Rudy sa kanya. Kasama na dito ang pagiging “mayor” niya daw ng Bulacan pagdating ng panahon.

Marami rin raw sinabi si Rudy patungkol sa kaniyang magiging income pati pag-unlad sa kaniyang buhay.

Ayon pa sa kaniya, sinunod niya ang mga payo nito na ibenta ang mga ari-arian gaya ng sasakyan at mga alahas dahil malapit na raw mag-end of the world.

Isa naman sa pinaka nakakawindang na prediksy0n ni Rudy Baldwin ay ang tungkol kay Piolo Pascual.

Ani Elzen, kakatwa raw ang pag-iilusyon ni Baldwin na magiging leading lady siya ng sikat na aktor.

Natawa naman si Idol Raffy sa mga isiniwalat ni Elzen at pabirong tinanong kung hindi raw ba na-vision ni Rudy Baldwin na mapapa-Tulfo ito.

Nang makarating ito sa panig ni Baldwin ay nagbahagi ito ng kumento sa kaniyang Facebook page.

Pinasinungalingan din ni Baldwin ang lahat ng paratang sa kaniya ng dati niyang manager.

“Wag niyo naman idamay si Piolo Pascual, idol ko po yon. Hindi ko magamot ang mga kasinungalingan niyo. Pati inggit lahat gawin nalang mahila pababa ang tao,” panawagan pa ni Rudy Baldwin.

Posible namang maharap sa reklamo si Rudy dahil sa ginawa nito diumanong panlilinlang kay Estores at sa diumano’y naging kliyente nito na si Solen Itaya.

Sa kasalukuyan ay magsasampa na ng kaso si Elzen laban kay Baldwin kasama pa ang mahigit walong iba pa at tutulungan sila ng team ni Raffy Tulfo.

That’s Boxing! Manny Pacquiao todo ang papuri kay Ugas

Binasag na ni Bea Alonzo ang kaniyang katahimikan sa umano’y pag-aabondona niya sa produksyon ng ABS-CBN series na Kahit Minsan Lang.