in

Madam Inutz pina-wow ang mga netizens sa kanyang itsura sa kanyang kauna-unahang photoshoot

Pinamangha ng viral online seller at instant celebrity na ngayon na si Madam Inutz ang kanyang mga taga-hanga.

Ito ay nang kumalat online ang mga litrato ng kanyang make over para sa kanyang first ever photoshoot.

Makikita kasi sa mga larawang ibinahagi ng makeup artist na si Mary Ponce ang palong-palong itsura ni Madam Inutz. O Daisy Lopez sa totoong buhay.

“On my make up chair the pandemic star @daisyinutz. Thank you boss @sirwil75 for trusting me always love u po,” saad niya caption ng kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mary Letim (@maryletim)

Marami ang namangha at lalong lumitaw ang kagandahan nito at nasabi pa ng ilan na pwedeng-pwede siyang mag-artista.

Matatandaang nabanggit ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang tungkol sa kanyang photoshoot nang magkasama sila sa pirmahan ng kontrata kamakailan.

Agad namang umani nang iba’t ibang papuri mula sa mga netizen ang bonggang transformati0n ni Madam Inutz.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Hala ang ganda nyo po kamukha nyo na c JLo.”

“subrang ganda mo madam inuts sana all.”

“Madammm!!!!! Inutz!! Ganda niyo po talaga!!! Ang ganda po ng pag make up niyo sakanya mam! Mary Letim Ponce Mary Letim Ponce !! Pa pinned po neto kung mahal niyo kameng nag susupport sainyo.”

“Ganda ni madam enuts pang hollywood ang beauty madam.”

“Lakas maka JLO madam inutz Daisy_licious Ukay ..Only Mary Letim Ponce touches ur skin.”

Kasalukuyang isa nang artist si Madam Inutz sa ilalim ng management ni Chinese-Spanish-Cuban-Filipino entrepreneur na si Wilbert Tolentino.

Binasag na ni Bea Alonzo ang kaniyang katahimikan sa umano’y pag-aabondona niya sa produksyon ng ABS-CBN series na Kahit Minsan Lang.

Couple vlogger na kumikita ng ng 50-100M nasilip ng BIR kaya nag-delete ng YouTube channel