in

Jinkee Pacquiao kitang-kita ang kaba sa naganap na laban ni Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas

Aminado si Jinkee Pacquiao na kabado siya sa naging laban ngayon ng asawang si Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas.

Nagaganap ngayong araw ang laban ni Pinoy pride Manny “Pacman” Pacquiao kay Yordenis Ugas. Na ayon kay Jinkee ay labis na pinaghandaan ng asawa.

Sa isang interview sa kaniya, inamin ni Jinkee na hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa tuwing sasabak sa laban ang kaniyang asawa.

Pero ayon dito, nakatulog naman aniya nang maayos si Pacman at ipinagpapasa-Diyos na lamang nilang ang nangyayaring laban.

Wish nga niya na after this fight ay magretiro na ang mister. Although lagi nga raw sinasabi nito na gusto nito munang makaharap ulit sa ring si Floyd Mayweather, Jr.

Matatandaang tinalo ni Mayweather si Pacman noong 2015 and since then ay naghahamon na ang ating Pambansang Kamao ng rematch.

Pero mukhang hindi naman interesado si Mayweather na labanang muli si Pacman kaya ani Jinkee, sana raw ay last na ito.

Of course, kung si Jinkee ang tatanungin, noon pa ay gusto na niyang magretiro ang asawa sa boxing. Simula raw nang matalo si Pacman sa laban kay Juan Manuel Marquez IV noong 2012 na na-knockout ang mister, ayaw na raw niya talagang lumaban pa ito. At ganundin ang gusto ng buong pamilya. Talagang si Manny lang daw ang may gusto.

Samantala, sa naganap ngang laban kanina ay caught on cam na kabado talaga si Jinkee.

Habang nasa front seat ay katabi niya ang kanyang kambal. At masisilayan ang pag-aalala niya habang nasa loob ng ring ang kanyang asawa.

Nagwagi si Ugas by unanimous decision na maluwag namang tinanggap ng mambabatas.

Pero kapansin-pansin ang kuhang larawan kay Jinkee, na bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha.

Dahilan kung bakit natalo ang People’s Champ sa laban kay Ugas, inamin na mismo ni Manny Pacquiao

That’s Boxing! Manny Pacquiao todo ang papuri kay Ugas