in

Tinamaan? Nanay ni Heaven Peralejo nag-react sa Tweet ni DJ Chacha tungkol sa mga naninira ng relasyon!

Nagbigay ng reaksyon ang nanay ni Heaven Peralejo sa naging trending na Tweet ni DJ Chaha.

Matapos ag rebelasyon nina Heaven at Kiko Estrada sa kanilang relasyon, patuloy naman ang pag-trending ng dalaga online.

May mga netizens na hinalungkat pa ang mga satements noon ni Heaven tungkol sa pakikipagrelasyon.

Pati na din ang pagtanggi nito noon na siya ang naging dahilan ng hiwalayan nina Kiko at dating kasintahan na si Devon Seron.

Lumabas din ang naging panayam niya noon sa “Tonight With Boy Abunda” noong 2019. Nang tanungin siya kung naapektuhan ba siya matapos ma-bash ng McLisse fans.

Isang statement rin mula sa kaniyang vlog na “Jojowain o Totropahin” kung saan kasama sa choices si Kiko ang naungkat.

Bukod pa rito, marami rin ang patuloy na nagsasabing sinungaling ang dalaga.

Sa gitna ng usap-usapan tungkol kay Heaven naging trending naman ang Tweet ni DJ Chacha.

“Huwag ninyong kaugaliang mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan n’yo ‘yan. Hanggang sa pagtanda, madadala n’yo ‘yang ugali na ‘yan,” tweet ni DJ Chacha.

Saktong sakto ang pagkaka-post nito matapos mag-viral ang relationship reveal nina Heaven at Kiko.

May mga ilang fans naman nina Heaven at Kiko ang agad nag-react sa pahayag ni DJ Chacha. May ilan pang nagsabi na pakealamera umano ito.

Pero muling banat nito, “Kapag walang name drop, ‘wag mag-assume na para sa ‘yo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan ‘yun ng nag-post. Ibig sabihin nu’n, guilty ka. Ganoon lang ‘yun.”

Hindi naman napigilan ng nanay ni Heaven na mag-react din tungkol dito. Deretsahan niya minention si DJ Chacha sa kanyang tweet.

Saad ng nanay ni Heaven, “Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @dj_chacha”

Anong say mo dito?

Celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes hiwalay na nga ba? Paolo nag-unfollow sa IG ni LJ

Gerald Anderson umaasang mapapatawad siya ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo