in

Mark Herras may simpleng patutsada sa mga batikos na binabato ni Lolit Solis

Sa gitna ng patuloy na pangbabatikos ni Lolit Solis, Mark Herras ay cryptic post.

Isang makahulugan na Facebook post ang ibinahagi kamakailan ng aktor na si Mark Herras. Tila ito ang kanyang reaksyon sa mga patutsada sa kanya ni Lolit Solis.

Noong August 20, tuluyan na ngang binitawan ni Manay Lolit si Mark bilang isa sa kanyang mga alaga. Ito ay matapos ng mga pahayag niya laban sa aktor.

Sa kanyang Instagram post saad ni Lolit, “Salve gusto ko ipaalam sa lahat na starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras.”

“Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artists Center na lang ang hahawak sa kanya. After all, dito naman nagsimula ang showbiz career niya eversince.”

Paraan na rin daw ni Lolit ito para hindi na mabawasan pa ang kinikita ng aktor. Sa mga projects nito kung saan s’ya nakakakuha ng komisyon as a talent manager.

Mananatili pa rin naman ang pagturing nito bilang anak sa aktor. Ngunit sa ngayon ay ayaw niya nang maging bahagi ng buhay nito.

Sa kanyang pahayag ay hindi pa din nawala ang simpleng pangungutya niya sa dating alaga.

Samantala, tila ayaw ng bigyan ng pansin ni Mark ang patutsadang ito ni Manay Lolit sa kanya.

Isang cryptic message na lang ang pinost ng aktor tungkol sa pananahimik.

Kalakip ng art card na mababasang “Silence is the best response to a fool” at “Silence is Power” nilagyan ito ni Mark ng caption na “BASIC”

Tila nais iparating ni Mark na nais niya na lang manahimik kesa patulan pa niya ang ma pangbabatikos ni Lolit.

Manay Lolit Solis, may panibagong inexpose tungkol sa 40yrs age gap relationship di umano ni Albert Martinez sa nakababatang aktres

Mel Sarmiento, nakatira na nga ba sa bahay ni Kris Aquino?