in ,

Manay Lolit Solis, may panibagong inexpose tungkol sa 40yrs age gap relationship di umano ni Albert Martinez sa nakababatang aktres

Hindi talaga nagpapapigil sa kanyang mga makakahulugang pahayag ang beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis.

Matapos mag trending at kainisan ng maraming tungkol sa pamamahiya di umano nito kay Mark Herras, iba naman ang naging subject niya ngayon.

Nitong mga nakaraan nga, naging usap usapan at laman ng mga blind item ang lihim na relasyon ng isang beteranong aktor at mas nakababatang aktres mula sa Kapuso.

Lumabas ang pangalan ng 60 year old actor na si Albert Martinez at Faith De Silva, 20.

Dahil dito, hindi din napigilan ni Manay Lolit na maglabas ng tapat na saloobin at opinyon niya tungkol dito.

Sa kanyang IG, inilabas ni Manay Lolit ang kanyang komento. Aniya, wala namang masama kung totoo ngang nag-iibigan sila sa kabila ng 40 taong agwat ng kanilang edad.

Para sa kanya, parehas namang walang sabit ang dalawa dahil ang aktor ay matagal na ring balo samantalang dalaga pa naman ang aktres.

Wala naman masama kung sakali at magsama ang dalawa dahil pareho naman single. Matagal narin balo si Albert Martinez, at dalaga naman at nasa edad na si Faith da Silva. Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay. 

Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert kung magkaroon ng bagong makakasama ang kanilang ama dahil matagal na rin itong nag-iisa sa buhay, matapos mawala ng kanilang ina.

So , kung happy sila, dapat lahat happy. Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7. Bongga ha, may trabaho na, may asawa pang nakita. Suwerte naman. Kaya Salve at Gorgy, bantayan mga taping baka may ma discover pa kayong mga bagong romance. Bongga!

Kaugnay nito, ayon sa isa pang showbiz insider na si Mr. Fu, noong una ay itinatago pa ng dalawa ng lihim na relasyon, ngunit kalaunan ay naging lantaran narin.

Sina Albert Martinez at Faith Da Silva ay magkasama ngayon sa isang teleserye sa Kapuso na Las Hermanas.

Kung kayo tatanungin, ok lang ba kung sakaling magkaroon nga ng relasyon sina Abert Martinez at Faith Da Silva?

 

Gerald Anderson umaasang mapapatawad siya ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo

Mark Herras may simpleng patutsada sa mga batikos na binabato ni Lolit Solis