in

Gerald Anderson umaasang mapapatawad siya ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo

Umaasa ang aktor na si Gerald Anderson na mapapatawad siya ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa panayam ni King of Talk Boy Abunda kay Gerald, tinanong nito ang aktor. Kung gusto pa nitong ayusin ang nakaraan.

“Do you want to fix the problems?” tanong ni Tito Boy.

Sagot naman ni Gerald, “Kung puwede ko baguhin ‘yung nangyari. Kaso, ang hirap. It’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes.”

Amin naman ng aktor na nasa magandang estado na rin ito matapos ang mga kontrobersya na pinagdaanan.

“Kung pwedeng hindi dumaan sa ganoong sitwasyon but that’s life. Hindi ko naman masasabi kung anong mangyayari or hindi ko na mababago ang nangyari.

“As much as I wish I could, hindi ko na po hawak ‘yun. I just absorb and learn and just move on with life.

“That’s what life is about, it’s falling down pero you know, getting back up,” pagpapatuloy nito.

Tinanong din sa kanya kung balang araw ay magre-reach out ito kay Bea at sa bagong boyfriend na si Dominic Roque.

“More siguro kay Bea,” sagot ni Gerald.

“Huwag na po tayo siguro mandamay ng ibang tao but I really pray sana, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nagho-hope lang po ako,” dagdag niya.

Matatandaang naging maingay ang break-up nina Gerald at Bea noong 2019 dahil sa umano’y pagtataksil ng una, kung saan lumutang na may namamagitan sa kanila ni Julia Barretto.

Parehas naman nang masaya ang dating magkasintahan sa kani-kanilang bagong ka-relasyon.

Lately nga ay kinumpirma na ng Kapuso actress ang kaniyang relasyon kay Dominic Roque. Halata rin naman na happy si Gerald sa piling ni Julia.

Panoorin dito ang kanilang panayam:

Tinamaan? Nanay ni Heaven Peralejo nag-react sa Tweet ni DJ Chacha tungkol sa mga naninira ng relasyon!

Manay Lolit Solis, may panibagong inexpose tungkol sa 40yrs age gap relationship di umano ni Albert Martinez sa nakababatang aktres