in

Celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes hiwalay na nga ba? Paolo nag-unfollow sa IG ni LJ

Tanong ng marami, LJ Reyes at Paolo Contis hiwalay na nga ba?

Kasalukuyang tsimis ng bayan ang umano’y hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes. Naka-unfollow na kasi ang aktor sa instagram ni LJ.

Pero hindi lamang si LJ ang in-unfollow ni Paolo dahil zero na ang “following” niya sa Instagram.

Ibig sabihin, tinanggal o in-unfollow na niya ang lahat ng kanyang mga pina-follow, kabilang na si LJ.

Kapansin-pansin ding burado na ang lahat ng larawan ni LJ sa IG account ni Paolo.

Ang mga photos na lang ni Summer at promo ng mga pelikula niyang malapit nang ipalabas ang makikita sa account niya.

May larawan si Paolo na ipinost niya habang nasa talahiban na ang caption ay, “Tough road ahead… Rest. Reflect. But never stop moving.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Samantala, tila fina-follow pa rin ni LJ si Paolo, at makikita pa rin ang mga litrato nito sa kanyang Instagram page.

Hulyo 14 umano nang huling nag-post si Paolo ng retrato kasama si LJ at ang dalawang bata.

Sa kanyang caption, sinabi ng aktor: “Love, thank you for everything! Thank you for taking care of all of us! Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandiyan ka!”

“I want you know how much I appreciate and love you! Can’t wait to go home again and be with you! Please know that I’m always missing and thinking of you!” dagdag pa ni Paolo, na nasa lock-in taping noong pinost niya ang retrato.

Samantala, noong Father’s Day, Hunyo 20, pa huling nag-post si LJ ng larawan ni Paolo sa kanyang Instagram account.

Tikom naman ang bibig ng dalawa sa naturang isyu.

Anak ng aktres na si Ai Ai Delas Alas nadale ng hit and run sa US, stable na ang kalagayan

Tinamaan? Nanay ni Heaven Peralejo nag-react sa Tweet ni DJ Chacha tungkol sa mga naninira ng relasyon!