in

Anak ng aktres na si Ai Ai Delas Alas nadale ng hit and run sa US, stable na ang kalagayan

Nakahinga nang malalim si Ai-Ai Delas Alas matapos makaligtas ng kanyang anak sa isang car acc1dent sa US.

Ibinahagi ng Kapuso comedienne sa kanyang social media account na naaksidente ang anak niyang si Sean Nicolo matapos mabiktima ng hit-and-run sa Amerika.

Ipinost ni Ai Ai sa Instagram ang ilang litrato na kuha sa lugar kung saan naganap ang aksidente. Makikita rito ang kotseng gamit ni Nicolo na nawasak at nahulog pa sa bangin.

Milagrong pasa lamang sa hita ang tinamo ni Nicolo, kaya naman gayon na lamang ang ligaya sa puso ng aktres.

Abot-langit naman ang pasasalamat ng komedyana dahil sa kabila ng nangyari ay hindi gaanong nasaktan ang kanyang anak. At tinawag niya itong isang himala.

“Walang galos pasa lang sa hips… kotse nahulog sa bangin… I praise and glorify you Lord God… salamat sa kabutihan mo sa milagro na ito sa buhay namin,” saad sa caption ni Ai-Ai.

Kaya naman itinuturing ng aktres na pangalawang buhay na ito ng anak.

“Grabe, Lord, salamat po sa pagliligtas sa anak ko. Walang hanggang pasasalamat,” sabi pa ni Ai Ai sa caption gamit ang hashtag na #maymilagroangbuhay.

Samantala, ipinost din ng Kapuso actress ang screenshot ng conversation nila ng anak sa chat kung saan binigyan siya ng update tungkol sa resulta ng X-ray nito.

“Bruise lang po sa hips, pero ice lang po katapat,” sabi ni Nicolo sabay sabing okay naman ang X-ray nito.

“Salamat sa kabutihan mo at sa milagro ito sa buhay namin. Salamat sa pangalawang buhay ng anak ko,” mensahe pa ng veteran actress.

Taong 2012 pa nakatira sa US si Nicki kung saan nandoon din ang kanyang ama at dating singer na si Miguel Vera.

“Dalawa silang dini-date ko” Luis Manzano, inamin ang nagawang panloloko noon sa asawang si Jessy

Celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes hiwalay na nga ba? Paolo nag-unfollow sa IG ni LJ