in

JaMill nagsalita na kung bakit biglaan nilang binura ang kanilang YouTube channel

Nagbigay na ng paliwanag ang kilalang YouTube at real-life couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Tungkol sa binura na nilang YouTube channel.

Kaninang umaga lang kasi ay nagtrending ang balita na burado na umano ang kanilang YouTube channel. Na mayroon ng halos 12 million subscribers.

May mga lumabas agad na espekulasyon na baka panibagong pakulo o prank lamang ito ng Jamill para mapag-usapang muli.

Marami na nga din sa kanilang mga taga-hanga nakung tawagin nila ay mga “kaigan” at “mandirigma” ang agad nalungkot.

Kaya naman para linawin ang balitang ito, naglabas na ng video ang magkasintahan gamit ang kanilang Facebook page.

Ito ay upang makaiwas daw sa mga fake news sa posibleng dahilan ng biglaang pagbura ng kanilang channel na mayroon nang milyon-milyong subscribers.

Sa video na kanilang in-upload, ipinaliwanag ni Jayzam na gusto na lamang nilang bumalik sa simpleng buhay.

“Gusto namin kami na lang nakakakita sa relasyon namin,” panimula ni Jayzam.

Ayon din kay Camille, ayaw na nila ng kasalukuyan nilang nararamdaman na ‘pressure’ na tila umiinog na lamang umano ang kanilang relasyon sa YouTube.

“Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang Relasyon namin dalawa. Gusto namin Habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga Kaigan.”

Sinubukan pa umano nilang ibalik pansumandali ang kanilang channel ngunit hindi na ito nagawa ng YouTube. “Nabalitaan namin, hindi na daw talaga maibabalik… So, wala na,” pahayag ni Jayzam.

Ito na rin ang kanilang paraan upang patunayan na totoo ang relasyon nila sa likod man ng camera. Nakiusap din silang unawain at irespeto na lamang ang kanilang napagkasunduang desisyon.

Tunay na dahilan ng pagpayat ni Chynna Ortaleza ibinahagi na ng aktres, mga netizens nag-alala

Alden Richards proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang kapatid na babae