in

Alden Richards proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang kapatid na babae

Very proud si Alden Richards na nag-post ng picture nila ng sister niyang si Riza Faulkerson.

Na hawak nilang magkapatid ang diploma na katibayan na tapos na at naka-graduate na ito. Sa training niya sa McDonald’s University.

Si Riza ang naatasan ni Alden na siyang magma-manage ng franchise niya ng food chain na itinatayo na nila ngayon.

At ngayon ay ready na siya sa bagong work na papasukin niya.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Pambansang Bae ang selfie photo nila ni Riza na gumradweyt with a degree in Human Resource Development Management sa Colegio de San Juan de Letran sa Calamba, Laguna. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “I’m proud of you.”

Kasama din ni Alden ang kanyang ama na umattend noon sa graduation ng kanyang kapatid.

Sa post ng kanyang ama sa Twitter ay sinabi nitong si Alden ang nag-paaral kay Riza.

Inamin kamakailan ni Alden sa isang interview na talagang suportado niya ang kapatid sa pag-aaral nito. At totoo rin na protective brother siya kay Riza.

Sabi nga ng dalaga, “As a kuya, hindi naman sa ayaw na paligawan, pero lagi niya sinasabi sa akin na magtapos muna ng pag-aaral bago pumasok sa mga ganu’n na commitment.”

Saad naman ni Alden para sa kanyang pamilya ang ginagawa niyang pagsasakripisyo, “They’re my priority for now. Makita ko lang silang okay, walang sakit, living their lives.”

 

JaMill nagsalita na kung bakit biglaan nilang binura ang kanilang YouTube channel

“Dalawa silang dini-date ko” Luis Manzano, inamin ang nagawang panloloko noon sa asawang si Jessy