in

Iya Villania humagulgol, ibinahagi ang malaking kasalanang nagawa sa asawang si Drew Arellano

Ibinahagi ni Iya Villania na minsan na siyang nakagawa ng malaking kasalanan sa mister niyang si Drew Arellano.

Pakiradam ng Kapuso actress-TV host na si Iya Villania ay naka-jackpot talaga siya nang maging karelasyon si Drew Arellano.

Grabe raw kasi ang unconditional love na ibinibigay sa kanya ng asawa. Kahit na nga may nagagawa siyang mga sablay sa kanilang relasyon.

“Let’s just say na nagkamali ako in my relationship with Drew. Meron akong sablay na nagawa,” pag-amin niya sa isang palabas ng Kapuso channel.

“Tapos sabi niya ‘If you were me, what would you do?’” pagpapatuloy niya.

Sagot naman ni iya: “If I were you, I’d breakup with ‘me.”

“Tapos hagulgol ako, [k]asi siyempre sabi ko ‘I don’t deserve you,” sambit pa niya.

Sa kabila nito, pinatawad pa rin siya ni Drew at sinabing “Call me this or call me that, but I still have faith in you.”

Pag-amin ng Kapuso star, sa sobrang lala ng nagawa niya ay pwede talaga siyang hindi mapatawad ng asawa at baka raw hiwalayan pa siya.

Ngunit sa kabila nga nito, napatawad pa rin siya ni Drew dahil mahal na mahal pa rin daw siya nito at handa siyang kalimutan ang lahat ng nangyari.

Ani Iya, naka-jackpot siya sa kaniyang asawa dahil sa unconditional love na ipinakita nito.

“Naka-jackpot ako!… That’s really when I felt now, ‘Wow okay, this is unconditional love because he still knew where my heart was. He still knew me despite the mistakes that I had made. And not just once, but thrice. ‘I’m still willing to love you,” pagbabahagi pa ng aktres.

Taong 2014 nang ikinasal ang dalawa.

Kasalukuyan silang may tatlo ng anak na sina Primo, Leon at Alana.

Manny Pacquiao, Nagbigay ng Pera sa isang Homeless sa Amerika

Oyo Boy Sotto, Hindi Napigilang mag react tungkol sa isang komento sa kanyang Asawang si Kristine