in

Sa gitna ng kontrobersiya, vlogger na si Jose Hallorina inilabas ang interview niya sa Lola ni Donnalyn Bartolome

Usap-usapan na namang muli ang vlogger na si Jose Hallorina.

Ito ay matapos niyang ilabas ang video ng one on one interview niya sa Lola ni Donnalyn Bartolome.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Jose na handa na umanong lumaban ang kanyang team sa kampo ni Donnalyn.

Kung matatandaan ay sunod sunod ang naging pahayag ni Donnalyn na sinundan ng kanyang ina laban kay Jose.

Kaugnay ng issue sa Lola nitong si Nanay Josie na puma’naw kamakailan lang.

Sa nasabing video, ipinahayag ni Nanay Josie ang saloobin niya kay Donnalyn at sa ina nito.

Pinasinungalingan niya na malaking halaga umano ang ibinibigay ng mga ito na sustento sa kanya.

“Wag niyang sasabihin na panay panay siyang nagbibigay sakin ng pera. Itong sinusumbat mo sakin, Tonya, na binigyan mo ko ng puhunan,” saad ni Nanay Josie.

Pagpapatuloy pa niya, “Never akong nakatanggap sayo ng 20,000 ha. Alam mo yan. Hindi mo ko binigyan ng 20,000. Yung binigay mo sakin, 5,000 something lang.” 

Ayon pa kay Nanay Josie nanirahan siya kasama ang pamilya ni Donnalyn dahil ito daw ang gusto ng namayapa niyang kapatid.

Sa mga panahon na nasa poder siya ng pamilya ni Donnalyn ay sa garahe lamang daw ng mga ito siya natutulog.

Sa isang bahagi din ng video ay sinabi ni Nanay Josie na dalawang libong piso lamang ang natanggap niya kay Donnalyn noong 2019.

Ang one on one interview din na ito ni Jose kay Nanay Josie a naganap noong 2019.

Matapos umanong maglabas ng pahayag si Donnalyn at ng kanyang ina sa nauna pang interview ni Jose sa matanda.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

Daniel Padilla, May Inamin Tungkol sa Pagkakamali Niya kay Kathryn

Kris Aquino ibinahagi na ang dahilan ng anak na si Josh kung bakit pinili nitong manirahan sa Tarlac