in

RR Enriquez ni real talk si Manay Lolit sa ginawa nitong pamamahiya kay Mark Herras

Sa panahon ng pandemya, walang sino man ang hindi lubos na apektuhan.

Marami ang nawalan ng trabaho, marami ang kinapos, at marami ang nasa downside ngayon, agree?

Pero lahat naman ng bagay ay nagiging madali kung nagtutulungan ang pinapahalagahan ang bawat isa. Kapamiya, kamag-anak, maging ng mga kaibigan.

Ngunit nakakalungkot nga namang isipin, na minsan kung sino pa ang mga taong pinagkakatiwalaan mo, ay sila pa ang tila manlalaglag sayo. worst is, ipapahiya ka pa.

Ganitong ganito ang naging reaksyon at saloobin ng dating TV host at dancer na ngayo’y businesswoman na si RR Enriquez sa naging pahayag ng batikang entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Nitong nakaraan lamang, naging tampulan ng tsismis ang Kapuso actor at Startruck alumna na si Mark Herras dahil sa naging post ng kanyang talent manager at itinuring na pangalawang magulang na si Manay Lolit.

Ayon kay Manay Lolit, tumawag sa kanya si Mark upang manghiram ng 30k. Dahilan ni Mark ay pandagdag lamang niya sa pambili ng gatas at iba pang pangangailangan ng kanyang 6mos. old baby kay Nicole Donesa.

Tila hindi naging maganda ang dating nito kay RR at hindi napigilang ihayag ang saloobin at awang naramdaman kay Mark.

Ayon sa post ni RR sa kanyang Instagram, naaawa siya kay Mark. Pinagkatiwalaan daw ni Mark si Manay Lolit bilang manager sa loob ng ilang taon. Ngunit sa halagang 30k daw na hinihiram ng lugmok ngayong alaga, tila mas lalo pa niya itong nilugmok sa kahihiyan.

Hindi naman daw daw sinabi ni RR na walang pagkakamali si Mark pero hindi naman na daw dapat ipangalandakan ang 30k na hinihiram sa kanya na kung tutuusin daw ay personal na lang sana nila.

Kinuwestyon ni RR ang ilang milyon kinita ni Manay Lolit kay Mark, kumpara sa kapiranggot na 30k na hinihiram ay ipapahiya nito ng lubos.

Sa sobrang pagka dismaya ni RR ay naparatangan din niya si Manay Lolit na bida bida. Sa edad nitong 70plus ay chismosa parin daw talaga ang talent manager at imbes na gumawa ng kabutihan ay panay paninira pa rin di umano ang ginagawa.

Bandang huli ay pinangaralan din ni RR ang mga netizens na mahilig pagpyestahan ang buhay ng iba. Lahat naman daw gtayo ay may pinagdaraanan hindi lang si Mark. Imbes na pagpyestahan daw ang buhay ng iba, bakit na lang daw hindi tayo tumulong sa iba’t ibang paraan.

Bilang magulang, marahil ay hindi na naisip ni Mark ang kahihiyan, maibigay lang pangangailangan ng anak. Pinahiram naman siya ng kanyang manager bandang huli, ngunit nalaman din ng buong social media ang lahat.

Ano pong masasabi niyo dito? May point din naman si RR Enriquez di ba?

Narito ang kabuuan ng post ni RR:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Queen Inutz nakatanggap muli ng surpresang tulong na 200K mula sa negosyante at vlogger na si Wilbert Tolentino

Daniel Padilla, May Inamin Tungkol sa Pagkakamali Niya kay Kathryn