in

Kris Aquino ibinahagi na ang dahilan ng anak na si Josh kung bakit pinili nitong manirahan sa Tarlac

Sa Tarlac na talaga gustong tumira ng eldest ni Kris Aquino na si Joshua.

Bagamat nais ni Kris Aquino na manatili ang panganay niyang si Joshua kasama niya at bunso niyang si Bimby. Nirerespeto niya ang desisyon ni Joshua kung saan nito gustong tumira.

Saad ni Kris sa video na ibinahagi niya sa Facebook “Madali akong kausap.”

Ayon kay Kris, noong Disyembre 26, 2020 pa daw niya huling nakapiling si Joshua at ngayon na umuwi ito sa kanilang bahay ay nais na daw muli nitong bumalik sa Tarlac.

“Mahirap kalaban pag nag-decide na, ‘Dito ako.’” Ang “dito” ay ang bahay sa Tarlac ng yumaong nanay ni Kris na si Corazon “Cory” Aquino.

Kuwento ni Kris na sa mismong kama ng kanyang mommy natutulog si Josh. Ganoon daw talaga kalapit ang loob ng mag-lola.

Kaya, aniya, “Mahirap kalaban ang memories ng lola.” Pero “super naiintindihan” niya raw kung bakit.

Dito ay inalala naman muli ni Kris ang mga panahon na pinapalaki niya si Josh bilang isang single mother. Ito ay matapos nilang maghiwalay ng aktor na si Phillip Salvador, ang ama ni Josh. Ayon sa kaniya, noong mga panahon na iyon ay wala pa sa estado niya na maaari niyang mai-adjust ang schedule ng kaniyang trabaho.

Dahil nakatali si Kris sa shooting sa pelikula o di kaya taping ng TV show, hindi siya nakakadalo sa school events at iba pang activities ni Josh. Ang takbuhan niya para sa ganoong okasyon ay ang kanyang mommy.

Inamin ni Kris na maaaring hindi lumaki na mabait at generous ang kaniyang anak sa lahat kung hindi dahil sa kaniyang ina. Tinuro daw kasi ng lola nito na magbigay ng galang at respetuhin ang lahat ng tao.

Saad ni Kris, napakaswerte daw niya dahil nasa tabi niya ang kaniyang ina noon na naging “support system” niya.

Sa gitna ng kontrobersiya, vlogger na si Jose Hallorina inilabas ang interview niya sa Lola ni Donnalyn Bartolome

Manny Pacquiao, Nagbigay ng Pera sa isang Homeless sa Amerika