in

Sa Edad na 23, Iñigo Pascual may sarili nang farm

Nakamit ng mang-aawit na aktor na si Iñigo Pascual ang kanyang pangarap mula noong bata pa siya upang magkaroon ng kanyang farm.

Sa edad na 23, nakabili si Inigo ng maraming mga property, kasama na ang kanyang farm sa Rizal, na sinabi niya na para rin sa kanyang lolo.

Ang singer artist ay bumili din ng mga kabayo, at nag-aalaga din ng baka at baboy. Ang anak ni Piolo Pascual ay nagkuwento sa isang inteview na noong bata pa siya ay nais na niyang magkaroon ng sariling bukid.

“I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm. ”
“Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be there,”

Idinagdag ni Iñigo na talagang mahal niya ang kalikasan:

“Ako kasi I’ve always love nature. Parang doon ako kumakalma, doon ko nakakalimutan ang stress, ang problema.”


“Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko sa bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh ‘yon ang trip ko na gawin on my spare time,” =

 

Dalawang araw ang lumipas, Queen Inutz umalis na agad sa Star Image Artist Management

Lyca Gairanod, Binenta ang napanalunan bahay sa ‘The Voice Kids’ at piniling manirahan sa kanilang lumang bahay