in

Queen Inutz nakipaginuman kina Ethel Booba at Donita Nose

Isang matinding tawanan at kulitan ang naganap ng makabonding ni Queen Inutz sina Ethel Booba at Donita Nose.

Sa latest vlog ni Ethel Booba ay personal niyang pinuntahan ang viral online seller na si Daisy Lopez.

O mas kilala na ngayon bilang si Queen Inutz sa bahay nito sa Amadeo, Cavite.

May dala dalang isang case ng alak si Ethel Booba at kasama niya di sina Donita Nose at kapatid na si Boobita.

Pagpasok pa lamang ng bahay nila Queen Inutz ay inayos na nila ang mga lamesa at kagamitan sa kanilang tomaan.

Ngunit bago sila magsimulang tumagay ay sinilip muna nila Ethel ang nanay ni Queen Inutz na bedridden na.

Hanggang sa tuloy-tuloy na nga ang kanilang kulitan habang nagke-kwentuhan. Pinag-usapan din nila ang kanilang mga buhay.

Ani Ethel nakaka-relate umano siya sa mga pinagdadaanan din ni Queen Inutz. Na lumalaban sa hamon ng buhay para sa pamilya.

Nag-live selling din kasi si Ethel bago niya tinutukan ang vlogging sa YouTube.

Naranasan din umano niya na marami ngang nanonood ngunit wala namang bumibili ng kanyang mga paninda.

Naikwento naman ni Daisy na nakalikom siya ng one hundred thousand pesos dahil sa mga viewers na nagpapadala thru Gcash.

Nakipagkwentuhan na rin si Donita kay Madam Inutz at doon nila nalamang dati pala itong naging entertainer sa Japan.

Kaya naman hiningan ni Donita si Madam Inutz ng ‘sample’ gayung mga ‘Whitney Houston’ songs pala ang kayang kantahin ng online seller.

Pinagbigyan naman niya ito at sabay silang bumirit ng ‘Alone’ at mapapansing mahusay nga namang kumanta si Madam Inutz.

Sa huli ay pinakyaw nila Ethel at Donita ang paninda ni Queen Inutz.

Panoorin dito ang nakaktuwang bonding nila:

Lyca Gairanod, Binenta ang napanalunan bahay sa ‘The Voice Kids’ at piniling manirahan sa kanilang lumang bahay

Queen Inutz nakatanggap muli ng surpresang tulong na 200K mula sa negosyante at vlogger na si Wilbert Tolentino