in

Queen Inutz nakatanggap muli ng surpresang tulong na 200K mula sa negosyante at vlogger na si Wilbert Tolentino

Tuloy tuloy na ang blessings na natatanggap ng viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilalang Queen Inutz.

Laman na nga ng social media ngayon si Daisy Lopez na binansagang Queen Inutz.

Marami kasi ang natutuwa sa kanyang personalidad at sa way niya ng pagtitinda thru online live selling.

Noong nakaraan lamang ay pumirma na nga siya ng kontrata sa Star Image Artist Management.

Ngunit makalipas ang dalawang araw ay binitawan niya din ito dahil may maling nakita sa kontrata.

Bagamat umalis din siya agad sa nasabing kumpanya ay pinasalamatan naman niya ang mga ito. Dahil aniya ito ang nagbukas ng mas maraing oportunidad para sa kanya.

Ayon nga sa kasabihan, kung may nawala ay mas magandang kapalit ang paparating.

At patunay nga nito ay ang surpresang dala sa kanya ng negosyante at vlogger na si Wilbert Tolentino.

Sa latest vlog ng ka-freshness Mamshie na si Wilbert ay dala dala niya ang malaking tulong para kay Queen Inutz.

Kasama si Herlene “Hipon Girl” Budol ay dinalaw nila si Queen Inutz sa tirahan nito sa Amadeo, Cavite.

Sa simula ng kanyang vlog ay ibinahagi ni Wilbert na bibigyan niya ng two hundred thousand pesos si Madam Inutz.

100K para sa pangangailangan ng nanay nito na bedridden na at 100K naman para sa pandagdag sa negosyo nito.

Naging emosyonal naman ang tagpo ng iabot na ni Wilbert ang pera kay Madam Inutz.

Hindi napigilan ng sikat na online seller ang pagbuhos ng kanyang luha dahil sa hindi niya inaasahang tulong na ito.

Pati na rin ang kanyang ina ay napahagulgol dahil sa malaking halaga na kanilang natanggap mula kay Wilbert.

Maging si Herlene ay naging emosyonal sa tagpong iyon.

Lubos na pasasalamat naman ang namutawi ni Queen Inutz para sa kagandahang loob ni Mamshie Wilbert.

Queen Inutz nakipaginuman kina Ethel Booba at Donita Nose

RR Enriquez ni real talk si Manay Lolit sa ginawa nitong pamamahiya kay Mark Herras