in

Matapos aminin ang relasyon nila in public, dating panayam kay Heaven Peralejo naungkat muli

Confirmed na ang relasyon nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada base sa kanilang mga Instagram post.

Ito ay makalipas ang limang buwan mula nang pumutok ang kontrobersiyal na hiwalayan ni Kiko at nobya niya noong si Devon Seron.

Sina Heaven at Kiko ay nagkatrabaho sa ABS-CBN afternoon series na Bagong Umaga, na umere mula Oktubre 2020 hanggang April 2021.

Nagkagusto ang karakter ni Kiko kay Heaven sa kuwento ng serye.

Nauwi sa totohanan ang pagsinta ni Kiko kay Heaven ngayong inamin na nila sa publiko ang kanilang pag-iibigan.

Sweet ang dalawa sa isa’t isa, sa nag-iisang post ni Kiko ay nag-i love you na ito kay Heaven.

I love you too naman ang sagot ng dalaga sa comment section.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kiko (@jasondiazejercito)

Makalipas ang ilang minuto ay si Heaven ang nag-post sa Instagram ng mga litrato nila ni Kiko.

Matamis ang pagkakangiti nila habang magkatitigan at magkayakap sa unang litrato.

Ilang kasamahan sa industriya ang masaya para sa dalawa, ngunit hindi mapigilan ng mga netizen ang magduda lalo’t limang buwan pa lang ang nakalilipas matapos maghiwalay sina Kiko at Devon.

At dahil dito ay naungkat ang panayam noon ni Heaven sa ‘Tonight With Boy Abunda’

Kung saan nagbigay siya ng reaksyon sa mga tumawag sa kanya ng higad’, ‘malandi’ at iba pang masasakit na salita.

Pati na din ang pagde-deny niya noon ng siya ang tinuturong third party sa hiwalayan nina Kiko at Devon.

Saad pa ng aktres, hindi raw siya ‘romantically associated’ kay Kiko noon, at magkatrabaho lang daw talaga sila.

Pero ilang buwan lang ang nakalipas lumabas na ang katotohanan.

Anong say mo dito?

Sikat na Singer, nagsilang ng kanyang 1st Baby sa isang 71 yrs old na partner

Mahal binisita ang dati niyang ka-loveteam na si Mura sa bahay nito sa probinsya