in

Mahal binisita ang dati niyang ka-loveteam na si Mura sa bahay nito sa probinsya

Muling nagtagpo ang dating magkatambal na sina Mahal at Mura.

Sumikat noon ang tambalan ng midget artists na sina Mahal at Mura. Madalas silang mapanood sa mga pelikula at programa sa telebisyon bilang TV hosts at mga aktor.

Sa kabila ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa noong kasagsagan ng kanilang kasikatan, hindi naman nauwi sa romantikong relasyon ang kanilang tambalan.


 
Dahil sa kanilang pagkakahawig at parehas na taas, una silang pinagsama bilang “kambal” noong 2003 sa isang noontime variety show. Kinailangang magbihis ng pambabae ni Mura upang maging kakambal ni Mahal.

Mula sa pagiging kakambal ni Mahal, nagbihis-lalaki na si Mura matapos ang siyam na buwan. At dito na nga nagsimula ang pag-usbong ng kanilang love team sa telebisyon at sa pelikula.

Pero naudlot ang anumang namamagitan sa kanila nang biglang tumigil sa showbiz si Mura dahil sa tinamong pinsala sa katawan bunga ng isang aksidente noong 2010.

At kamakailan nga lamang matapos ang ilang taon ay muling nagkita na ang dating iconic love team.

Ito ay nang nang sadyain nina Mahal at Mygz Molino ang tahanan ni Mura. Dahil sa putik, kinailangang maglakad nila papasok at paakyat sa bundok papunta sa bahay ni Mura.

Hindi naman hinayaan ni Mygz si Mahal at karga-karga niya ito sa maputik na daan upang hindi ito mahirapan.

Si Mura naman ay binuhat din ng kanyang kaanak.

Nang makarating sila sa bahay ni Mura, doon na muling nagkausap ng masinsinan ang dating magka-tandem. Dito nabanggit ni Mura na pinadalhan pala siya nina Mahal ng pera na pinambili niya ng gatas.

Sa muli nilang pagkikita ay ganoon pa din ang closeness at friendship ng dalawa. Hindi na napigilan at nagkulitan at nagtawanan na agad sina Mahal at Mura.

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Matapos aminin ang relasyon nila in public, dating panayam kay Heaven Peralejo naungkat muli

John Estrada nagbigay na ng reaksyon sa pahayag ni Derek Ramsay na hindi na kaibigan ang turing nito sa kanya