in

John Estrada nagbigay na ng reaksyon sa pahayag ni Derek Ramsay na hindi na kaibigan ang turing nito sa kanya

Wala na umanong magagawa si John Estrada sa desisyon ni Derek Ramsay na tuldukan nito ang kanilang pagkakaibigan.

Nang lumabas ang issue tungkol sa fiancée ni Derek na si Ellen Adarna at produksiyon ng John en Ellen. Tila pati ang pagkakaibigan ng dalawang aktor ay nagkalamat din.

Sina John at Ellen ay co-stars ng TV5 sitcom na John en Ellen. Si Derek ay matalik na kaibigan ni John at fiancé ni Ellen.

Sa vlog ni Ogie Diaz noong August 9 ay inamin ni Derek na may mga pangyayaring nagtulak sa kanya para layuan ang kaibigang si John.

Ayon kay Derek patungkol kay John, “He’s no longer a friend of mine.”

Pero hindi rin daw kaaway ang turing ni Derek kay John. Nais lang daw ni Derek na protektahan ang kanyang peace of mind, lalo na’t lalagay na siya sa tahimik.

Nitong August 11, inilabas ni Ogie ang sagot ni John tungkol sa mga binitiwang salita ni Derek.

Sabi ni John via text message, “Tinuring ko siyang parang kapatid ko. Kung ganun lang tingin niya sa pagkakaibigan namin e wala akong magagawa.”

Pitong taon silang matalik na magkaibigan ni Derek.

Si John ang instrumento kung bakit nakilala ni Derek si Ellen nitong January.

Samantala, para naman kay John ay mananatiling kaibigan pa rin ang turing niya kay Derek.

Hindi niya itinangging nalungkot siya dahil umabot sa ganitong sitwasyon ang mahigit anim na taong friendship nila ni Derek.

Taong 2014 noong magsimulang maging magkaibigan sina John at Derek. Nagsosyo pa sila sa mosquito repellant product noong 2018. Close din si Derek sa partner ni John, si Priscilla Mereilles.

Iniisip na lang daw niyang nangyayari ito sa ibang magkakaibigan.

“Basta para sa akin, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya,” makahulugang pahayag ni John.

Mahal binisita ang dati niyang ka-loveteam na si Mura sa bahay nito sa probinsya

Dalawang araw ang lumipas, Queen Inutz umalis na agad sa Star Image Artist Management