in

Dalawang araw ang lumipas, Queen Inutz umalis na agad sa Star Image Artist Management

Madam Inutz iniwan agad ang Star Image Artist Management.

Kinumpirma ni  “Madam Inutz” sa kaniyang Facebook live na bumitaw na siya sa Star Image Artist Management ngayong Linggo, Agosto15.

“Umalis na ako sa Star Image dahil na rin sa inyo at dahil na rin sa pamilya ko,” saad niya.

Pagbabahagi niya, sa dami ng nangyari sa kaniya, na-overwhelm siya kung kaya ay hindi na napag-isipan ang desisyon na kaniyang ginawa.

Gayunman, bago niya gawin ang pagbitaw sa Star Image Artist Management, kinonsulta muna niya ang kaniyang pamilya at ang mga taong malapit sa kaniya.

Ayon sa kaniya, may abogado na nagmagandang-loob sa kaniya para siyasatin ang kontrata niya sa Star Image.

“May nag-suggest sakin na manghingi ng kopya (ng kontrata), i-review yung kontrata. So ngayon pina-review ko ang kontrata…” ani Madam Inutz.

Nang ma-review ang kontrata saka lamang niya naintindihan na wala umanong expiration ang pinirmaha niya.

Kaya naisip niya paano kung wala palang nakalatag na proyekto para sa kanya.

Iyon pa naman umano ang dahilan kaya niya ginrab ang opportunity dahil para makatulong sa kanyang pamilya.

Dagdag pa ni Daisy, kinuha ng Star Image ang kaniyang cellphone number at ito na mismo ang sumasagot sa mga tumatawag sa kaniya na napag-alaman niyang mali ang prosesong ito dahil personal na number ang kanyang ibinigay.

Ngayon, dumaan sa legal na proseso ang pag-alis ni Daisy sa nasabing talent agency.

Kumosulta din si Madami Inutz sa mga eksperto at mas nakakaalam, nagtanong din siya sa kanyang pamilya ta mga kaibigan kung ano ang mainam na gawin. At napagpasiyahan na nga niya na umalis na sa Star Image.

Bagaman umalis ay nagpasalamat pa rin siya sa management na binigyan siya ng pagkakataon.

John Estrada nagbigay na ng reaksyon sa pahayag ni Derek Ramsay na hindi na kaibigan ang turing nito sa kanya

Sa Edad na 23, Iñigo Pascual may sarili nang farm