in , , ,

Sikat na Singer, nagsilang ng kanyang 1st Baby sa isang 71 yrs old na partner

It’s never been too late for a senior citizen to have a baby!

Ang iba, inaakala nilang hindi na kaya ng mga seniors ang makabuo ng baby sa kanilang mas nakababatang partners. Marami sa ating kilalang celebrities ang magpapatunay nito.

Gaya na lang ng isang sikat na Holywood music artist na ito na sobrang blessed sa kanilang baby ng dating American Idol contestant.

Si Katharine McPhee, 36, ay nagsilang na sa kanyang unang anak sa asawang si David Foster, 71, nito lamang Pebrero.

Inulat ng People’s Magazine na ang magandang balita, at bumuhos ang mga pagbati para sa mag asawang Foster.

“Katharine McPhee and David Foster have welcomed a healthy baby boy. Mom, Dad, and son are all doing wonderfully.”

Mula nang ikasal noong Hunyo 2019, inihayag ng singer/producer noong Oktubre ang pagbubuntis ni Kath.

Nagkakilala ang dalawa noong 2006, nang maging mentor ni Kath si David sa Season 5 ng American Idol. 22 lamang noon si Kath samantalang si David ay 56 nung mga panahon na iyon.

Kinasal sila sa Church of Saint Yeghiche sa district ng South Kensington, West London noong Hunyo 28, 2019,

Sa kanilang pagdiriwang ng 1st wedding anniversary, nainspire ang marami sa very touching na message ni Kath para sa kanyang asawang si David.

Sa mga nakaraang interview ni Kath, ibinahagi niya ang kanilang buhay mag asawa sa kabila ng pagkakaroon ng malakinmg age gap.

“Some people are never going to get it, but we don’t care. We’re fine about it,” “He’s the best thing that ever happened to me. But he was always the best thing that happened to me, even when he was just a mentor.”

 

Para sa kanya, marahil ay marami talagang hindi makakaunawa sa totoong meron sila, pero para kay Kath at David, ang isa’t isa ang pinakamagandang nangyari sa kanilang mga buhay. Para kay Kath, si David ang nagsisilbing inspirasyon niyan, not just a mentor.

Ayon naman kay David, mayroon silang musical connection ng singer kaya naman maituturing na sobra silang connected sa isa’t isa. Marami mang bumabatikos sa kanilang relasyon, hindi naman nila hahayaang masira ito ng ganun ganun lang.

Tunay ngang masasabi na AGE DOESN’T MATTER pagdating sa LOVE. Gaya nila Kath McPhee at David Foster, ang mga couple na nasa ganitong sitwasyon ay may strong connection kaya napapanatili nilang matatag ang kanilang relasyon kahit na marami ang bumabatikos.

Do you agree?

Kilalanin ang mga lalaking na dumaan sa buhay ni Ellen Adarna bago dumating si Derek Ramsay

Matapos aminin ang relasyon nila in public, dating panayam kay Heaven Peralejo naungkat muli