in

Kilalanin ang mga lalaking na dumaan sa buhay ni Ellen Adarna bago dumating si Derek Ramsay

Sa ganda at alindog ni Ellen Adarna, hindi kataka-takang marami ang napapa-ibig niya at nali-link sa kanya.

Unang nakilala si Ellen bilang isang modelo at aktres.  Mas lalo pang dumami ang kanyang mga tagahanga nang mapadalas ang kanyang feature sa mga men’s magazine.

Samantala, bago pa man dumating sa buhay ni Ellen ang fiancee niyang si Derek Ramsay, kilalanin natin ang mga lalaking na-link at nagpatibok sa puso niya noon.

1  JC Intal

Kinumpirma noon ni Ellen na naging karelasyon niya ang professional basketball player. Anim na buwan ang itinagal ng kanilang relasyon.

2 Filo Cueco

Si Filo ay ang non-showbiz bf ni Ellen, nakilala ito sa publiko ng sumali sila sa ‘Survivor Philippines.’

3 Raoul Olbes

Aminado si Ellen na naka-live in niya noon ang binata. Isang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

4 Raymund Romualdez

Ang naging relasyon ni Ellen kay Raymund ay panandalian lamang at nagdesisyon silang maging magkaibigan na lamang.

5  EJ Falcon

Naging loveteam sina Ellen at EJ sa ‘Passion de Amor. Naging malapit sila sa isa’t-isa pero hindi natuloy ang kanilang namuong relasyon noon.

6 Paulo Avelino

Nalink noon sina Ellen at Paulo dahil sa naganap na Star Magic ball taong 2015.

7 Baste Duterte

Naging usap-usapan din noon ang naging relasyon ni Ellen sa presidential son dahil sa mga kumalat na litrato nilang laging magksama.

8 Diether Ocampo

Si Diether ay naiugnay din noon kay Ellen, ngunit ayon sa aktres walang seryosong namagitan sa kanila

9 John Lloyd Cruz

Hindi naman lihim sa publiko ang naging relasyon nina John Lloyd at Ellen. Nagbunga din ang kanilang pagmamahalan at ito ay ang anak nilang si Elias.

10 Carlos Lemus

Kasunod ng balitang hiwalayan nina Ellen at John Lloyd ang foreigner na si Carlos ang namataang nakasama ng aktres.

Naalala Niyo pa ba si AJ Dee, Ito na pala ang buhay niya ngayon matapos iwan ang Pilipinas

Sikat na Singer, nagsilang ng kanyang 1st Baby sa isang 71 yrs old na partner