in

Viral na online seller na si Queen Inutz pumirma na ng kontrata sa Star Image Artist Management

Instant celebrity na ngayon ang trending na online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Queen Inutz.

Patok na patok ngayon sa mga netizens ang pagiging kwela ni Daisy Lopez.

Binansagan na nga siyang Queen Inutz dahil “inutil” ang salitang bukambibig niya sa kanyang live selling.

Ang mga ibinebenta ni Madam Inutz ay mga damit na preloved or ukay-ukay.

Ngunit hindi ang mga paninda niya ang inaabangan ng kanyang mga viewers, kundi ang nakakatuwang personality niya.

Kamakailan nga ay hagalpak ang tawa ng mga netizens dahil sa isang damit na inilarawan niyang pangburol.

Kaba0ng ang code na ginamit niya para sa damit na kanyang isniuot dahil aniya all in one na ito.

Kwelang kwelang pumikit pa ito at umakmang nakahimlay at sinabihan ang mga miners niya na i-screenshot ito.

Kinagiliwan nga ng mga netizens si Queen Inutz dahil sa mga nakakatuwang sayaw at mga salita na binibitawan nito habang ngla-live selling.

Sa halip na bumili ang mga libo-libong niyang manonood ay nakikitambay nalang ang mga ito at nakikitawa sa livestream.

Kamakailan nga nakakatuwang ibinahagi ni Daisy na wala na syang miners at napalitan na ito ng mga proud tambay.

Kagabi nga lamang ay umabot na sa halos 160K ang viewers niya sa kanyang live selling.

At dahil nga sa kanyang kasikatan ay naging instant celebrity na si Queen Inutz.

Kinuha na siya ng Star Image Artist Management at pumirma na siya ng kontrata.

Naging halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens ukol dito. May mga nagsabing gagamitin lang siya ng Star Image.

Narito ang ilang komento:

“Madam napaka inutil mo, wag ka dyan gung gong ka Madam Inutz”

“Nagsolo ka nalang sana Madam Inutz … kaya mo naman yan”

“Aww.. Bakit dyan madam sana hnd ka n lng nagpatali.. sabay lang nman sa kasikatan mga yan”

Mark Herras nangutang kay Lolit Solis ng 30K pangdagdag pambili umano ng kailangan ng anak

Neil Coleta proud at excited na sa pagdating ng kanyang panganay