in

Neil Coleta proud at excited na sa pagdating ng kanyang panganay

Hindi maitago ng aktor na si Neil Coleta ang pananabik sa nalalapit na pagdating ng kanyang unang anak.

Girl ang magiging first baby ni Neil Coleta sa kanyang girlfriend na si Jazmin Chinnei.

Super excited na ang aktor na maging isang daddy. Kaya proud niyang ipinost sa social media ang sonogram ng magiging baby girl nila ni Jazmin.

“Happy 9th month to us.. mahal na mahal ko kayo ni Jazmin alam mo na yun.. gagawin ko lahat para sa inyo,” saad ni Neil.

Kalakip ito ng litrato nila ng kanyang partner at sonogram ng upcoming baby girl nila.

Sa Instagram, ibinahagi rin ni Chinnei ang kanyang pagbati para sa nobyo. Kalakip din ang kaparehong larawan.

“I want to be with you ‘til my last page,” ani naman ni Chinnei.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chin Kee (@chinkeenini02)

Ilang larawan din mula sa maternity photoshoot ang ibinahagi ng kasintahan ni Neil na excited na din maging mommy.

Pinasalamatan din niya si Neil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya habang dala-dala niya ang kanilang anak.

Kasabay din ito ng pagbati ng dating Wowowin Dancer kay Neil para sa kanyang kaarawan noong August 4.

Matatandaang nito lamang Hunyo nang ibahagi ng magkasintahan na babae ang kanilang magiging anak.

Nakilala si Neil Coleta sa paglabas niya sa commercial series ng Nestea. Lumabas din siya sa mga serye ng ABS-CBN na 100 Days to Heaven, Juan Dela Cruz at FPJ’s Ang Probinsyano.

 

Viral na online seller na si Queen Inutz pumirma na ng kontrata sa Star Image Artist Management

Naalala Niyo pa ba si AJ Dee, Ito na pala ang buhay niya ngayon matapos iwan ang Pilipinas