in ,

‘Napakaimposible na kasi na sa isang araw magkakaroon ka ng sampung premonition’ – Jay Costura, nagbigay ng patutsada at payo sa kapwa psychic na si Rudy Baldwin

Naging malaking usap-usapang sa social media nitong mga nakaraang linggo ang di umano katotohanan sa likod ng sikat na social media pyschic na si Rudy Baldwin.

Ito ay matapos di umano ibunyag ni Xian Gaza ang sinasabing totoong intenstyon at gawain ni Madam Rudy.

Bagamat lahat nang kanyang ibinunyag ay pawang alegasyon lamang dahil wala siya naipakitang katibayan tungkol dito, malaki ang naging epekto nito sa pangalan ng psychic.

Marami ang nawalan ng kumpyansa at lalo ng paniniwala sa kanyang kredibilidad, patunay ng pagdagsa ng mga b4shers sa bawat premonition post ni Madam Rudy.

Gayunpaman, hindi din naman basta nagpapatinag ang sikat na pychic at pilit na nililinis ang nadungisang pangalan dahil sa mga alegasyong siya ay sc4mmer at huwad.

Kaugnay nito, isa pang sikat na psychic sa social media ang nahingan ng kanyang sariling pananawa sa tungkol kay Madam Rudy Baldwin.

Ibinahagi ni Jay Costura ang kanyang saloobin hinggil sa mga bagay-bagay at maging ang kanyang mga karanasan bilang isang psychic at fortune teller.

Sa vlog ng Prima Donnas actress na si Aiko Melendez, prangka ang mga naging pahayag ni Jay kaugnay sa mga maiinit na isyung pinag-uusapan sa social media.

Inilahad din ni Jay ang mga naging karanasan niya noong wala pa siyang alam tungkol sa kanyang kakayahang makakita ng mga pangitain.

Ayon sa kanya, 6 na taong gulang pa lamang siya nang una niyang natuklasan na may kakaiba sa kanya. Noong una ay akala niya normal lamang ang mga ito.

Umabot ang mga di magandang karanasan hanggang sa kanyang pagtanda. Kinatakutan, ginawang katatawanan, inakusahang b4liw. Hanggang dumating sa puntong kinuwestyon na niya ang pagkakaroon ng ganitong klaseng kakayahan.

Bagamat buong pusong tinanggap na ni Jay ang pagiging psychic, alam niya na marami pa rin ang kumukutya sa kanyang kakayahan.

“Well, hindi natin mapi-please ang karamihan sa atin, ‘no?

“Basta alam mo sa sarili mo na malakas ang pananampalataya mo sa Diyos.

“At saka wala kang inaapakang tao, walang kang ginagamit, alam mo sa sarili mo na masaya ka sa ginagawa mo.

“Sa bawat gagawin mo, dapat nandun ang guidance ni Lord.

“So, I can say that ito ay bigay ni Lord.”

Samantala, hiningi ni Aiko ang opinyon ni Jay sa mga kapwa niya sikat na psychic tulad nina Ed Caluag at ang kontrobersiyal ngayon na si Rudy Baldwin.

Ayon kay Jay, napag-aralan din naman daw ni Ed Caluag nila ang kanyang natatanging kakayahan.

“Ang mga ganito kasi, kapag gusto mo talagang i-develop yung gift mo, kailangan mo siyang i-enhance.

“Yung kay Ed Caluag, naka-work ko na siya three times, so I can say na okay naman siya kasama.”

Pagdating naman sa kapwa niyang psychic na si Rudy Baldwin.

“Ang masasabi ko doon sa nagte-trending ngayon… Ako kasi, I have a premonition sa dream ko.

“Yes, nagpo-post din ako. I posted a warning sign.

“Pero napakaimposible na kasi na sa isang araw magkakaroon ka ng sampung premonition.”

Nagbigay din ng payo si Jay sa kapwa niya psychic ma respetuhin daw sana ang kalikasan at hayaan ang mga tao na magpatunay kung anong meron siya.

“Hindi mo kailangang sabihin sa mga tao na, ‘ito ang kaya kong gawin.’

“Hayaan mo si Lord ang mag-workout sa ‘yo, na marami kang natutulungan.

“Pero hindi pwedeng gamitin mo ang gift mo para takutin ang mga tao.

“At saka hindi mo siya pwedeng gamitin para paglaruan ang kapalaran ng mga tao.”

Ano sa palagay mo ang nais iparating ni Jay Costura kay Rudy Baldwin?

Ito na Pala ang Buhay Ngayon ng Dating Co-Host Ng Eat Bulaga Na Si Toni Rose Gayda

Mark Herras nangutang kay Lolit Solis ng 30K pangdagdag pambili umano ng kailangan ng anak