in

Mark Herras nangutang kay Lolit Solis ng 30K pangdagdag pambili umano ng kailangan ng anak

Tila nasa downside ng kanyang buhay ngayon ang aktor na si Mark Herras.

Sa recent episode ng weekly online show ni Lolit Solis, ibinahagi nito ang naging pag-uusap nila ng kanyang alaga.

Aniya, tinawagan umano siya ni Mark kamakailan upang mangheram ng 30 thousand pesos.

Nang tanungin ni Manay Lolit kung para saan ito ay pambili daw umano ng gatas ng 6mos. old baby nila ni Nicole Donesa.

Saad umano ni Mark, “‘Nay, pambili ng gatas (formula milk) ng anak ko.”

Ngunit imbes na pautangin niya agad ito ay pinangaralan muna ni Manay Lolit ang alaga.

Ikinumpara pa umano ng beteranang talent manager at manunulat sa kasabayan nito sa StarStruck na si Jennylyn Mercado.

Na ngayon ay sobrang layo na ng naabot ng career kumpara kay Mark na ngayon ay halos wala ng trabaho.

“Sabi ko talaga, Thirty thousand lang, wala ka? Eh, buti pa pala ‘yung PA [personal assistant ko], may P50,000! Naku, talagang inalipusta ko siya!” pagbabahagi pa ni Manay Lolit.

Sagot naman ni Mark para kumalma siya, “Sa August pa kasi magsisimula ‘yung lock-in taping ko. By then, ‘Nay, makakaluwag-luwag na’ko. Don’t worry.”

Ngunit hindi pa din nagpatinag si Lolit at sinabing huwag umanong pakakasiguro si Mark.

“Mark, huwag ka pakasiguro. Si ano nga [pointing to her other male ward], nag-lock-in taping, nu’ng matapos, na-shelve ang project!’ Ang ibig ko lang i-point out particularly sa kanya, mag-focus siya sa trabaho niya. Kaso, hindi! Look, naungusan na tuloy siya. All the more na may  responsibilidad ka na, dapat kang magsipag!”

Pinautang naman siya ni Manay Lolit pero pina­ngaralan muna si Mark. “Maging masinop sa pera huwag magbarkada. Huwag mag-night out. Kagaya ngayon, mahirap kumuha ng TV project at kailangang lock-in ang taping. Maraming newcomers na naghihintay lang ng break.”

‘Napakaimposible na kasi na sa isang araw magkakaroon ka ng sampung premonition’ – Jay Costura, nagbigay ng patutsada at payo sa kapwa psychic na si Rudy Baldwin

Viral na online seller na si Queen Inutz pumirma na ng kontrata sa Star Image Artist Management