in

Mystery Man no more! Ex-DILG Sec. Mel Sarmiento, muling nagpatibok ng puso ni Kris Aquino

Hindi na nahirapan ang mga netizens sa paghula sa Mystery Man na binati ni Kris Aquino kamakailan.

Sa Instagram post ni Kris, pinag-isip nito ang madlang pipol matapos bumati ng happy birthday sa isang mystery man.

Mababasa sa post ni Kris, “Thank you for coming into my life… Happy Birthday!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Maraming mga pangalan ang nabanggit sa comments section ng post ni Kris, ngunit wala sa kanila ang nagdiwang ng kaarawan noong August 11.

Ngunit meron isa ang tumugma, at ito ay si dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento.

Tila nakumpirma na rin ito mismo ni Sarmiento nang kaniyang gamitin ang Instagram account ni Aquino para sagutin ang kritisismo na ibinato ng netizen sa tinaguriang “Queen of Social Media”.

Sinabi ng netizen sa comment, “Ghorl @krisaquino Kung gusto mo talaga na private ang buhay mo. Wag kana mag post ng Ganito narcissistic ka din e. Kawawa naman ang dating DILG secretary sayo be fair. Please abolish you’re social media account. Please lang day! Baka malasin pa.”

Agad naman itong sinagot ni Kris kung saan ay kinwestyon niya ang netizen kung bakit siya dinidiktahan nito

Sa kung ano ang dapat niya gawin sa kaniyang social media account.

Sa huli ay sumagot na si Sarmiento sa usapan kung saan ay sinabi niya na hiniram niya ang telepono ni Kris.

At sinabi na wala naman problema kung batiin siya nito dahil kung tutuusin ay sumaya siya at napakaswerte niya.

Tinanong niya rin kung dati ba niyang nakasama sa departamento na kaniyang minahal ang naturang netizen dahil nais niya sana humingi ng konting respeto.

Kylie Padilla, ibinahagi ang kasalukuyang estado ng kanilang relasyon, at set up bilang mag asawa at ama ng kanilang mga anak

Kris Bernal umalma sa mga netizens na bumatikos sa kanyang pangangatawan