in , ,

Kylie Padilla, ibinahagi ang kasalukuyang estado ng kanilang relasyon, at set up bilang mag asawa at ama ng kanilang mga anak

Bagamat hindi tahasang inamin, naging malaking usapin sa social media ang hiwalayan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Dahil dito, maraming spekulasyon ang lumabas na ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay third party. Mayroon ding mga nagsasabi na tungkol sa pera.

Ilang buwan na ang lumipas matapos pumutok ang balita, ano na nga ba ang totoong estado ng buhay mag asawa nila Kylie Padilla at Aljur Abrenica?

Sa isang panayam ng 24 oras kay Kylie noong Lunes, August 9, inamin ng aktres na hindi parin sila nagkakabalikang mag asawa.

“For now, for now yung setup namin is magkahiwalay pa rin.”

Kung maaalala, nito lamang nakaraang buwan, umalis ang 28-year-old Kapuso actress sa kanilang tahanan sa Timog Ave. Quezon City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Lumipat siya sa kanyang bagong tahanan na pina renovate pa niya para sa kanyang mga anak.

“I’m really good actually, sobrang saya ko.

“Kasi talagang yung bagong bahay, inayos ko talaga para at least it feels like a home para sa mga bata.

“Maganda lang yung vibes sa loob nung bahay.”

Dahil sa issue nang hiwalayan, maraming pangalan  ang nadawit ngunit tahasan din namang pinabulaan ng mga ito ang kaugnayan sa mag-asawa.

Bagamat hindi man derechong inamin nina Kylie at Aljur ang totoong dahilan, tila kinompirma naman ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang totoong nangyari sa kanila.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kontrobersya, una nang sinabi ni Kylie na co-parenting sila ni Aljur sa dalawa nilang anak na sina Alas, 3, at Axl, 1.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

Nagpapasalamat din si Kylie sa lahat nang nagmamahal at sumusuporta sa bawat desisyon na kanyang ginagawa.

Tanging hangad lamang niya na ang current status nilang mag asawa ay makakatulong sa kanila upang maging better person.

 

 

John Lloyd Cruz, tapat na sinagot kung nais pa ba niyang ma inlove muli sa kabila ng lahat ng heart break?

Mystery Man no more! Ex-DILG Sec. Mel Sarmiento, muling nagpatibok ng puso ni Kris Aquino