in

Kris Bernal umalma sa mga netizens na bumatikos sa kanyang pangangatawan

Inulan na namang muli ng batikos ang latest photo upload ng Kapuso actress na si Kris Bernal.

Hindi napigilan ni Kris na maging malungkot dahil paulit-ulit na lang ang pangungutya ng mga bashers sa kanyang pangangatawan.

Pagod na umano si Kris Bernal sa kakadepensa sa kanyang sarili laban sa body-shamers.

Kahit ilang beses nang naipaliwanag ng 31-year-old Kapuso actress-entrepreneur na fit and healthy siya, marami pa ring netizens ang pumupuna sa kanyang timbang.

At sa latest photo nga ni Kris ay muli nanaman siyang piutakte ng mga bashers. Sa nasabing larawan ay nakasuot si Kris ng white tube top at navy blue pants.

Bagamat komportable ang aktres sa kanyang itsura marami pa ring netizens ang hindi napigilang mangutya.

May ilang pumuna sa kanyang dibdib. Na hindi umano proportion sa kanyang pangangatawan.

May ilan din na tinawag siyang kawayan at buto’t balat na umano siya. May nagsabi din na mukha ng bang’kay si Kris dahil sa sobrang kapayatan.

Kaya naman hindi na napigilan ng aktres na sagutin isa isa ang mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Noong una ay hindi pinansin ni Kris ang mga komentong ito tungkol sa kanya. Ngunit nalungkot na lamang siya ng malamang kapwa kababaihan pa niya ang nangungutya sa kanya.

Ani Kris, “So sad to read negative comments from kapwa mga babae. God bless your soul girls! Sana hindi mangyari yan sa inyo.”

Sa huli saad pa ni Kris, “Ang daming bashers! Stop body shaming guys. Haynaku! Ako na naawa sa inyo. Ma payat man, fit, mataba or ano pa yan, you have no right to say negative to someone. We have our own lives to live. Manahimik nalang kung walang magandang masabi.”

Anong masasabi mo dito?

Mystery Man no more! Ex-DILG Sec. Mel Sarmiento, muling nagpatibok ng puso ni Kris Aquino

Ito na Pala ang Buhay Ngayon ng Dating Co-Host Ng Eat Bulaga Na Si Toni Rose Gayda