in

Ito na Pala ang Buhay Ngayon ng Dating Co-Host Ng Eat Bulaga Na Si Toni Rose Gayda

Naaalala mo ba si Toni Rose Gayda na isa sa co-host ng pinakamahabang noontime show na Eat Bulaga? Naging bahagi rin siya ng Eat Bulaga ng halos dalawang dekada at nagsimula ito noong 1996 matapos ang kanyang pagtatapos sa Student Canteen at Lunch Date. Marami ang nagkagusto sa kanya noon dahil bukod sa kanyang kahinhinan ay napakasimple lamang niya noong nagho-host siya.

Si Toni ay mayroon ding dugong Egyptian, French, Polish, at American kaya’t ang kutis nito ay tulad din ng porselana. Madalas din niyang tandem si Allan K sa Bulagaan Olymp𝔦cs noon ngunit napagpasyahan niyang talikuran ang trabaho niya kasama ang Eat Bulaga bilang co-host noong 2014.

Si Toni ay may dalawang anak na lalaki at sa kasamaang palad ang isa sa kanila ay pumanaw matapos mahulog sa balkonahe ng condominium kung saan siya nakatira dati. Ngayon, ipinagpatuloy ni Toni ang kanyang karera sa pagho-host dahil isa ito sa kanyang kasalukuyang concern.

Isa siya sa mga host ng A Song of Praise Music Festival na isang gospel music writing na napapanood sa UNTV.

Kasama rin niya ang mang-aawit na si Richard Reynoso. Si Toni ay 62 taong gulang na ngayon ngunit hindi ito halata dahil sa kanyang ‘baby face’. Marami ang namimiss sa kanya sa Eat Bulaga at sana, maimbitahan siyang mag-host dito o sa segment ng Bawal Judgmental.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

“Balik kana sa Eat Bulaga Ms. Toni, laptrip kayong dalawa lagi ni Allan K sa Bulagaan Olympics. Namimiss na namin ang pagkamainhin mo at boses mo.”

“62 na pala siya pero parang mukhang 40 lang, nakakamiss siya sa EB, isa sa mga magandang host at grabe mabait siya, magaling kumanta at sumayaw. Napaka-feminine pa niya.”

Sana maging guest siya sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga o kaya naman ay kunin siya kahit isang araw lang bilang guest for sure namimiss na siya ng dabarkads niya lalo na halos dalawang dekada na siyang hindi napapanood sa Eat Bulaga.”

Kris Bernal umalma sa mga netizens na bumatikos sa kanyang pangangatawan

‘Napakaimposible na kasi na sa isang araw magkakaroon ka ng sampung premonition’ – Jay Costura, nagbigay ng patutsada at payo sa kapwa psychic na si Rudy Baldwin