in

Thai Actor na si Toy Toy Chanakulpisan arestado, inamin ang kasalanang nagawa sa kanyang kasintahan

Arestado ang sikat na Thai actor na si Thanapat “Toy Toy” Chanakulpisan.

Ito ay matapos na wakasan niya angbu’hay ng kanyang nobyang si Chatsaran “Pim” Suwannakit.

Umamin ang Thai actor na bida sa seryeng The Dentist and The Northern Boy na nagawa niya ito sa nobya.

Noong August 5 matapos na mag-inuman sila sa isang town house.

Ayon sa testimonya ni Toy Toy, nagkaroon sila ng pagtatalo tungkol sa kanyang trabaho at dahil sa impluwensya ng alak, humantong sa isang hindi inaasahang pangyayari. Naganap di umano ang lahat sa kusina.

Ngunit umamin din kalaunan si Thanapat sa pulis na dahil sa galit kaya niya nap’as’lang ang kanyang nobya.

Nang mahimasmasan, doon na napagtanto ng Thai actor ang kanyang nagawa. Hindi siya tumakas sa pinangyarihan at inantay niya dumating ng mga awtoridad.

Hindi naman inilihim ni Pim at ipinagtapat naman nito na dalawang taon na siyang lumalaban ang sa d3press!on, at b!polar illn3ss.

Sinabi ni Pim na pilit niyang nilalabanan ang kanyang karamdaman na hindi nauunawaan ng ibang mga tao.

Noong July 8, 2021, nag-post si Chatsaran sa Facebook at Instagram page niya ng mga larawang may mga sugat at pasa ang kanyang mukha.

Ipinagtapat din niya ang maraming beses na pagtatangkang wakasan ang kanyang bu’hay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulis si ToyToy habang hindi naman siya pinayagang magpiyansa ng korte para pansamantalang makalaya.

Cesar Montano ipinakilala na sa publiko ang anak niya sa bagong partner na si Kath Angeles

John Prats aalis na din nga ba sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa ‘It’s Showtime’