in

John Prats aalis na din nga ba sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa ‘It’s Showtime’

Marami ang nagtatanong kay John Prats kung magpapaalam na ba ang kaniyang karakter sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ngayong siya na ang bagong direktor ng It’s Showtime.

Sa panayam ng ABS-CBN News, aminado ang aktor na hirap siyang balansehin ang kaniyang oras hindi lamang sa pag-aarte at pagdidirek kundi pati sa pagiging ama sa kanyang mga anak.

“It’s really hard. Siyempre I have to balance not just ‘Ang Probinsyano’ and ‘Showtime,’ but also my time for my family. Because, you know, may bunso pa ako na kaka-one year old lang. So hanggang may time pa ako, like now, I’m here at home, so I spend it with them talaga,” paliwanag ni John.

Ngunit para sa aktor, malaking tulong ang suporta ng kanyang mga kasamahan sa Ang Probinsyano, higit pa ang lead star at creative head nito na si Coco Martin, na noon pa man ay suportado na umano ang kanyang pagiging direktor.

Dagdag pa niya, “Sobra niyang suportado ‘yung pagdidirek ko, at nararamdaman ko ‘yun every time nag-uusap kami.”

“Kung gaano siya ka-proud sa akin at kung gaano rin ako ka-proud sa kanya, kung ano ‘yung achievements niya. Kasi siya rin direktor, eh. Iba lang. Narrative lang pagdidirek niya, ako non-narrative. So natutuwa kami sa pagkakaibigan namin na parehas kami ng tinatahak. Magkaiba lang ng field na dini-direk but we have the same objective.”

Sa panayam, naikwento rin ni John kung paano sila nagtutulungan ni Coco bilang mga direktor.

Ayon sa aktor, na limang taon nang parte ng Ang Probinsyano, nakatakda siyang pumasok sa panibagong cycle ng lock-in taping para sa sikat na serye.

Pansamantala umanong magkakaroon ng ibang direktor ang It’s Showtime.

Thai Actor na si Toy Toy Chanakulpisan arestado, inamin ang kasalanang nagawa sa kanyang kasintahan

John Lloyd Cruz, tapat na sinagot kung nais pa ba niyang ma inlove muli sa kabila ng lahat ng heart break?