in

Cesar Montano ipinakilala na sa publiko ang anak niya sa bagong partner na si Kath Angeles

Makabuluhan ang pagdiriwang ni Cesar Montano ng kanyang 59th birthday.

Dahil sa kanyang benefit online show para sa mga kababayan nating bik’tima ng pagbaha.

Ilan sa mga celebrity friends na nagtanghal sa naturang benefit online show ay ang American singer na si Keith Martin na umawit ng “Because of You,” si Alvin Anson, at ang dating miyembro ng Boyfriends na si Joey Obando.

Bumati naman sa kaniya via videotaped message si Robin Padilla. Nag-post si Cesar ng GCash number sa kanyang Facebook page.

Para sa mga taong nagnanais magbigay ng donasyon habang nagkakantahan sila ng mga kaibigan niya.

“To all the people who greeted me on my Birthday, salamat po! Thank you so much to all who donated for flood victims. Labyu guys! May God bless you enormously with love, peace, and joy, in Jesus name! Amen!” pasasalamat ng aktor sa isa pang Facebook post.

Isa sa highlights ng birthday party ng aktor ay ang paglahok ng kanyang partner na si Kath Angeles.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita ng mga nanood ng online show na karga-karga niya ang batang babae.

Na anak nila ni Kath.

May sweet moment din ang couple dahil magiliw na hinalikan ni Cesar sa pisngi si Kath nang kantahan siya ng birthday song ng kanyang mga bisita.

Si Kath ang mystery woman sa “Happy Birthday Kagawad Chris” viral video ni Cesar na kumalat noong November 2018.

Siya rin ang current partner ng award-winning actor.

 

 

Natuklasan na si Kath ang misteryosang babae sa viral video dahil sa re-enactment video na ginawa nila ni Cesar para sa kaarawan ng kaibigan nitong si Dolly Anne Carvajal noong September 2020.

Sikat na Youtuber Ranz Kyle, kinainggitan ng mga netizens dahil sa beauty queen nitong GF

Thai Actor na si Toy Toy Chanakulpisan arestado, inamin ang kasalanang nagawa sa kanyang kasintahan