in

Vlogger vs. Vlogger, Jose Hallorina nakatanggap ng demand letter galing sa kampo ni Donnalyn Bartolome

Naging malaking isyu ang sagutan ng mga vlogger na sina Jose Hallorina at Donnalyn Bartolome.

Nag-ugat ito ng gawing content ni Jose ang lola diumano ni Donnalyn. Kung saan sinabi nito na pinabayaan umano ng Donnalyn ang kanyang lola.

At namaalam na lang ito na sa kalsada lang naninirahan.

Ininterview ni Hallorina ang isang lola na naka-wheelchair sa gilid ng kalsada habang namamalimos ito.

Sa kanyang pagtatanong, nalaman ni Hallorina na si Lola Josie pala ay mayroong sikat na apo na Youtuber, ngunit hindi naman niya binanggit sa kanyang video blog ang pangalan ng nasabing apo ni Lola Josie.

Dahil dito ay nanawagan si Hallorina na sana mapanuod raw ito ng apo ni lola Josie at ibang kamag-anak para matulungan ang kalagayan ni lola.

Matapos magtrending ang video ni lola Josie, agad namang nagbigay ng opinyon si Bartolome sa kanyang Youtube account

At ipinaliwanag ang kanyang saloobin tungkol isyung ito.

Ayon kay Donnalyn, ang apo na tinutukoy sa video ni Jose ay walang iba kundi siya.

Sa umpisa ay sinabi ni Donnalyn na gusto man nitong intindihin kung ano ang pakay ni Jose sa pag-upload ng video ay hindi daw talaga niya maintindihan  kung ano nga ba ang intensyon nito.

Paglilinaw ni Donnalyn, ang matandang ininterview ni Jose ay kapatid ng kanyang lola na nanay ng kanyang mama.

Samantala, ibinahagi ni Hallorina sa latest vlog niya na namaalam na nga si Lola Josie. At sa kasamaang palad ay homeless pa din ito ng mangyari iyon.

Sa nasabing video ay ibinahagi din ni Hallorina na dahil sa pagtulong niya sa matanda

Ay idedemanda siya ng kampo ni Donnalyn.

Handa naman umano si Hallorina na harapin sa korte si Donnalyn.

Jessy Mendiola ipinagtanggol si Angel Locsin laban sa mga basher

Ruffa Gutierrez, nagsalita na tungkol sa kalagayan ng kanyang Ama ngayon!