in , ,

Siya pala ang gwapo at anak ng bilyonaryong nagpapasaya ngayon kay Sue Ramirez!

Kilalanin si Javi Benitez, ang anak ng bilyonaryong si Albee Benitez na ngayon ay nagpapatibok sa puso ng Kapamilya aktres na si Sue Ramirez.


Una silang nagkakilala noong si Javi ay naghahanap ng isang leading lady para sa isang proyekto at nabanggit ng kanilang mutual friend ang pangalan ni Sue.

Nais niyang makasama sa isang get-together-dinner si Sue, ngunit sa oras na iyon, abala ang aktres sa maraming mga proyekto, balancing Cuddle Weather, A Soldier’s Heart, D34d Kids, and Finding Agnes. Kaya sa halip, sinadya na lamang ni Javi si Sue sa kanyang concert rehearsal.

Ayon kay Sue, yun ang kauna-unakahang pagkakataon na nagkita sila ni Javi ng personal.

 

“First time ko siyang makita ever. Ang tangkad pala ni Javi. Cute din pala. Mukha pala siyang action star.”

Para naman kay Javi, ang napaka energetic vibe ni Sue ang agad na bumihag sa puso niya.

Matapos ang mahabang ligawan, nabingwit narin sa wakas ni Javi ang puso ni Sue.

Sa isang panayam, sinabi ni Javi na naisip nila minsan ni Sue na manatili na lang silang dalawa sa Negros Occidental.

 

“We were thinking about it, ‘Sa Negros na lang kaya tayo?’ Di ba? ‘Kasi, kung magla-lockdown sa Maynila, baka puwede tayong umikot sa Negros.’

“Sabi namin, huwag na lang muna. Kasi, baka hindi agad tayo makakabalik—which was true. Dahil ang tagal pa bago bumukas, so mahirap.

“Kaya the first time we saw each other after so many weeks, napakaganda.”

At dahil anak siya ng isang seasoned producer, isinasaalang-alang din ni Javi ang kanyang sarili bilang “unofficial” na manager ni Sue.

“Well… ahh, ako personally, siyempre, as much as possible, ayoko muna. Hahahaha.

“Pero I understand naman na kung very artistic kasi siya, and game naman. You know, Sue is very fearless.

“Sabi ko, for the art, saka okay lang naman. Pero pinag-usapan nga namin… parang naging unofficial manager ako tuloy.”

Bagay na bagay silang dalawa, di ba? Ano pong masasabi niyo?

 

Dating sikat na aktres, namamayagpag noon, natagpuang ganito na ang kalagayan at palaboy laboy na lang sa kalsada ngayon

Jessy Mendiola ipinagtanggol si Angel Locsin laban sa mga basher