in

Kris Aquino may pahaging kay Willie Revillame, “Alam naman natin…ikaw gusto ng mga anak ko”

Muli na namang naipamalas ni Kris Aquino ang kaniyang pagiging taklesa.

Nagbalik telebisyon na ngang mulia ang Queen Of All Media na si Kris Aquino.

Naging co-host siya ni Willie Revillame noong Linggo para sa Shopee’s 8.8 Mega Flash Sale TV Special.

Inintroduce si Kris ni Kuya Wil sa mga manonood, na siya ring nagkumbinsi kay Kris para magbalik sa telebisyon.

Matapos ang halos limang taon na pamamahinga nito sa showbiz.

Saad ni Willie, “Ito na po. The Queen of All Media, the one and only, Kris Aquino!!!”

Isang malaking ngiti naman ang salubong ni Kris at tinukso pa si Willie sa kaniyang entrance speech.

“Thank you, Wilie. I don’t think you just miss me. I think you love me,” panunukso ni Kris kay Kuya Wil.

Hanggang sa pinasalamatan na ni Kris ang GMA Network at ang kaniyang mga supporters. Pati na rin ang kaniyang mga mahal sa buhay.

“Magandang-magandang umaga po sa inyong lahat at maraming, maraming salamat po sa GMA for allowing me to be here this morning. And of course, to my Shopee family, I love you.

“And alam kong nanonood sa’kin ngayon all my sisters. Hello to all of you. And of course, my two sons. Hi to Kuya Josh in Tarlac and kay Bimb na nasa BGC. I love you, honey.”

Sa isang parte din ng show ay muling tinukso ni Kris si Willie.

“May girlfriend ka na or hinihintay mo ‘ko? Kanina nirereto niya sa’kin eh. Dapat daw si Secretary. Ganung tipo raw dapat ang maging boyfriend ko. Hindi politiko, masipag.

“Bakit mo ko nirereto sa iba? Eh alam naman nating lahat ‘di ba? Ikaw ang gusto ng mga anak ko.”

Na nagbigay saya sa mga tao sa studio at pati na din sa mga manonood.

Julia Montes inamin ang estado ng puso niya ngayon sa panayam kay G3 San Diego

Dating sikat na aktres, namamayagpag noon, natagpuang ganito na ang kalagayan at palaboy laboy na lang sa kalsada ngayon