in

Jessy Mendiola ipinagtanggol si Angel Locsin laban sa mga basher

Hindi pinalagpas ni Jessy Mendiola ang isang netizen na ikinumpara siya kay Angel Locsin.

Sinupalpal ni Jessy Mendiola-Manzano ang isang netizen matapos laitin ang kakakasal lamang na si Angel Locsin.

Nag-post si Jessy ng kanyang litrato sa Instagram na may caption na, “A little length goes a long way!  I had my Hairtalk tape-ins reattached a few days before the ECQ.

“I needed a few pairs for added volume and length! No need to attach hair clip extensions whenever I need to shoot a vlog or take pics for work! swipe left to see before and after pics from the back!”

Maraming pumuri sa ganda at kaseksihan ngayon ng aktres at nagsabing napakaswerte raw ni Luis na siya ang napangasawa nito. Ipinagdarasal din daw nila na tumagal nang napakaraming taon ang kanilang pagsasama.

Pero may isang netizen nga ang pumuri kay Jessy pero nilait naman si Angel at tinawag na “tabachoy.”

“Love you Queen mas maganda ka nang di-hamak kay tabachoy na Angel Locsin yuckie.”

Ngunit hindi ito pinalagpas ni Jessy, at dinepensahan niya agad si Angel.

Pinagsabihan ng misis ni Luis Manzano ang mga body-shamer sa social media na hindi tumitigil sa pang-ookray sa pagiging plus size ni Angel.

“Please tama na ‘yung ganyan. We are all happy na. Peace and love lang please. Ingat ngayong ECQ,” saad ni Jessy.

Naging kontrobersyal noon ang paghihiwalay nina Luis at Angel at nadamay pa si Jessy.

Na inakusahang siyang dahilan kung bakit daw nasira ang relasyon ng ex couple.

Ngunit tulad nga ng sinabi ni Jessy, sana raw ay maka-move on na ang lahat ng mga haters at bashers dahil masaya na sila sa kani-kanilang buhay.

Siya pala ang gwapo at anak ng bilyonaryong nagpapasaya ngayon kay Sue Ramirez!

Vlogger vs. Vlogger, Jose Hallorina nakatanggap ng demand letter galing sa kampo ni Donnalyn Bartolome