in

Regine Tolentino aminadong mas masaya na sa bagong partner ngayon kumpara noon

Matapang na inamin ni Regine Tolentino na mas masaya na siya sa buhay niya ngayon.

Kumpara umano sa labingwalong taong pagsasama nila ng datin niyang asawa na si Lander Vera Perez.

Taong 2018 ng ma-annul ang kasal nina Regine at Lander.

Inamin din ng dance instructor at fitness guru na bagamat iniyakan niya ang paghihiwalay nila ay mabilis naman siyang naka move-on.

Eighteen years old lang si Regine nang magpakasal sila ni Lander, kaya sa palagay niya ay nag-mature na rin siya.

Bago pa man ma-annul ang kanilang kasal noong 2018 ay apat na taon na silang hiwalay ni Lander noon.

Sa loob ng apat na taon, mag-isa lang nga raw na pinalalaki ni Regine ang dalawang anak.

Ayon pa sa actress-host, hindi gumawa ng paraan ang kaniyang mister para makita ang mga bata.

Taong 2019 naman ng makilala niya ang partner niya ngayon si Dondi Narciso at may isa na silang anak.

Samantala, sa kaniyang TikTok video kamakailan ay tahasang sinagot ni Regine ang ilang katanungan ng mga netizens.

Ito ay tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Lander.

Kinumpirma ni Regine na isa ang “third” party sa mga naging problema nila, at nahuli niya rin ito.

Bukod pa umano sa panlolokong ginawa noon ni Lander sa kaniya ay wala pa umano itong trabaho. Na naing dahilan din ng kanilang hiwalayan.

Hindi rin umano ito nagsusustento sa dalawa nilang anak na mga dalaga na.

Ngayon ay masayang masaya na si Regine sa piling ni Dondi at ng kaniyang tres marias.

Mga netizens, napanganga sa bagong photoshoot ni Kisses para sa Miss Universe PH 2021

Julia Montes inamin ang estado ng puso niya ngayon sa panayam kay G3 San Diego