in

Julia Montes inamin ang estado ng puso niya ngayon sa panayam kay G3 San Diego

Umamin na si Julia Montes na in a relationship siya ngayon.

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang Kapamilya actress na si Julia Montes patungkol sa estado ng kaniyang relasyon.

Hindi niya tuwirang pinangalanan kung sino ang kanyang karelasyon, pero ipinahiwatig niyang nasa mundo rin ng showbiz ang kanyang sinisinta.

Ito ang ibinahagi niya sa panayam sa kaniya ni G3 San Diego.

“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret.

“We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'”

Ipinaliwanag din ni Julia na ang pananahimik nila ng karelasyon ay pareho nilang desisyon.

Ayaw raw nilang mabahiran ng intriga ang kanilang pagsasama.

“It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami ‘pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, ‘pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, anong alam n’yo?’ Okay, kung anong alam n’yo, okay po. ‘Yun na lang,” aniya pa sa nasabing interview ni G3 San Diego.

Hindi raw para ma-stress pa sila sa kung ano ang opinyon ng ibang tao.

Siniguro naman ni Julia na masaya siya sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ng kanyang karelasyon.

“Siguro yun pala yung pakiramdam na inaalagaan ka naman. Hindi lang ikaw yung nagbibigay ng love. Meron ka nang nare-receive na love,” saad ni Julia.

Nang maitanong kung bakit nanatili siyang tahimik ukol sa kanyang buhay pag-ibig sagot ni Julia, “Siguro kasi sa buong buhay ko, hindi ako selfish. This time, gusto ko ‘yung akin, akin.

Hindi kaila sa publiko na matagal nang nauugnay si Julia sa Kapamilya actor na si Coco Martin.

Regine Tolentino aminadong mas masaya na sa bagong partner ngayon kumpara noon

Kris Aquino may pahaging kay Willie Revillame, “Alam naman natin…ikaw gusto ng mga anak ko”