in

Rudy Baldwin personal ng nagpunta sa NBI upang maghain ng kaso laban sa mga naninira sa kaniya

Handa na si Rudy Baldwin na sampahan ng kaso ang mga taong naninira sa kanya.

Kamakailan lang ay naging mainit ang bakbakan sa social media nina Rudy Baldwin at Xian Gaza.

 

Isang expose ang inilabas ni Xian sa kanyang video sa Facebook.

Kung saan sinasabi nito na modus lamang ginagawang vision ni Rudy Baldwin.

Sa pagsisimula ng exposé ni Xian Gaza ay ibinulgar nito na scammer si Baldwin at hindi totoong may vision itong nakikita.

Ayon kay Gaza na ang bawat inilalabas na mga vision ni Baldwin

Ay mga possibility lamang na mangyayari sa mga current events.

May ilan ding personalidad ang lumutang at nagbulgar din ng mga bahong itinatago umano ni Rudy Baldwin.

Kaya naman, ilang araw lang ang lumipas ay nagdesisyon na si Baldwin na personal na pumunta ng NBI.

Upang maghain ng kaso laban sa mga taong pinipilit umanong sirain ang kanyang pangalan.

“Just Finished formally filing eleven counts of criminal cases of cyber libel against people na mga walang alam sa batas na grabe walang preno ang mga bibig sa panlalait, pamamahiya lalo na mga kasinungalingan,” saad ni Baldwin sa kanyang post na burado na ngayon.

Aniya pa, malapit na umanong ma-identify at makasuhan ang mga fake accounts and pages na lumalabag sa batas.

Dinagsa naman agad ng samu’t-saring komento ang post na ito ni Baldwin, kaya naman binura niya ang mga larawan.

Pinalitan niya din ang caption ng kanyang post at sinabing, “ACCORDING TO MY ATTY’S ADVICE, since the filing for cases has been formally initiated, DISCRETION and PRIVACY MUST BE OBSERVED SINCE THE PROCESS IS NOW UNDER LEGAL.”

 

Vice Ganda handa na umanong magkaroon ng sariling anak

James Reid, di napigilang sumagot nung tanungin kung handa na bang niyang makita si Nadine na may iba ng jowa