in ,

Naglalakbay ang kasintahan ng 2,400 km upang sorpresahin ang kanyang Girlfriend ngunit….

Ang LDR o Long Distance Relasyon ay isang napakahirap na sitwasyon para sa isang couple. Kadalasan, ang couple na mahy ganitong set up ay di nakakayanan at nauuwi din sa hiwalayan.

Pero mayroon din namang couple na napagtatagumpayan ang pagsubok na ito sa kanilang relasyon at nananatiling matibay sa kabila ng malungkot na set up.

 

Isang post sa Twitter ang mabilis na naging viral kaugnay ng isang LDR couple. Ibinihagi ng isang netizen ang mga larawan ng isang lalaki na nakasuot ng isang teddy bear maskot at nakaharap sa babae’t lalaking magkayakap.

Batay sa caption ng post, ang lalaking may suot na costume na bear ay nasa isang malayong relasyon o LDR sa batang babae, at nagpasya siyang sorpresahin iyon.

Naglakbay umano siya ng higit sa 2,400 km upang bigyan siya ng sorpresa, ngunit siya ang nasorpresa ng hindi inaasahang pangyayari.

 

Ang sweet sana ng moment nila kung natuloy lamang ang planong sorpresa nito sa kanyang girlfriend ngunit sa kasamaang palad ay siya pa ang nagulat sa kanyang nasaksihan.

 

Laking gulat niya nang makita niya ang kaiyang GF sa mga bisig ng ibang lalaki. Walang imik niyang hinubad ang ulo ng kanyang costume at tinitigan ang pandarayang ginagawa ng dalawa.

Napansin ng babae na may nakatitig sakanila at lumingon upang tignan, na kung saan ay napansin niya na ang nakatayo doon ay kaniyang tunay na kasintahan.

 

Sinuot muli ng lalaki ang ulo ng mascot at tumakbo na lamang palayo. Hinabol naman siya ng babae at niyakap ngunit tila wasak na talaga ang puso ng boyfriend sa mga pangyayari.

Maraming netizens ang naglabas ng sama ng loob sa babae at sinabi na ang sama ng kanyang ginawa dahil sa pangangaliwa at sa hindi pagiging tapat.

 

 

Angel Locsin at Neil Arce ikinasal na sa isang civil wedding ceremony

Mga netizens, napanganga sa bagong photoshoot ni Kisses para sa Miss Universe PH 2021